^

Punto Mo

Beauty benefits mula sa Beer

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

ANG anti-oxidants at amino acids ng beer ang nakakatulong para manatiling maganda ang kutis at makintab ang buhok. Ang yeast na sangkap sa paggawa ng beer ay good source ng B vitamins, protein, selenium, potassium, iron, zinc at magnesium, na kapakipakinabang sa kutis. Kung gagamitin ang beer, dapat ito ay flat. Iyong tumakas na ang “spirit’. Paano gagawing flat ang beer? Hayaang nakabukas ang lata ng beer sa loob ng 10 hours or higit pa. Kung nagmamadali, isalin sa microwave-safe cup ang beer at painitin ng isang minuto. Palamigin. Saka ito gamitin sa buhok.

Pinipigilan ang split ends

1. Pagkatapos mag-shampoo, basain ng flat beer ang buhok mula roots hanggang dulo.

2. Imasahe ang anit nang circular motion sa loob ng 5 minuto.

3. Maghintay muli ng 5 minuto saka magbanlaw ng buhok.

4. Gawin ito ng isa o dalawang beses per week para manati-ling makintab ang buhok. (Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with