^

Punto Mo

EDITORYAL - Mga ‘biyaherong opisyal’ maghanda-handa na!

Pang-masa
EDITORYAL - Mga �biyaherong opisyal� maghanda-handa na!

SA isang linggo, marami raw opisyal ng gobyerno ang sisibakin ni Pres. Rodrigo Duterte dahil sa pagta-travel sa ibang bansa, gamit ang pera ng taumbayan. Ganunman, hindi raw hihiyain ng gobyerno ang mga opis­yal basta sasabihan daw ng Presidente na magbitiw na sa puwesto. Wala na raw ingay-ingay pa. Basta umalis na lang para hindi mapahiya.

Marami raw opisyal na madalas ang biyahe sa ibang bansa at ang ginagamit ay ang pera ng taumbayan. Ipapahiya raw niya ang mga opisyal kapag hindi kusang umalis sa puwesto.

Marami pa ring corrupt sa pamahalaan sa kabila na maigting ang kampanya ng pamahalaang Duterte. Sabi ni Duterte, sa susunod na taon umano ay magle-level up na ang paglaban sa corruption. Ibig sabihin mas titindi pa ang kampanya ng pamahalaan laban sa mga corrupt. Ito raw ang naipangako niya sa mamamayan kaya tutuparin niya ito. Mawawala raw ang corruption sa bansang ito at tinitiyak niya ito na mangyayari sa ikatlong taon niya sa puwesto.

Marami ang matutuwa kapag natupad ang sinabi ni Duterte na mapapatalsik ang mga opis­yal ng gobyerno na nagbibiyahe sa abroad gamit ang pera ng taumbayan. Noon pa, ganito na ang sinasabi ng mamamayan na dapat maparusahan ang mga taong gumagastos na hindi naman pera nila ang ginagamit.

Habang ang mamamayan ay walang tigil sa pagbabayad ng buwis, marami namang opis­yal ang nagpapakaligaya sa pagbibiyahe at ang matindi pa, may kasamang mga babae ang mga opisyal. Walang taros sa paggastos ng pera na galing sa buwis ng mamamayan. Nararapat nang matigil ang masamang gawain ng mga opisyal ng gobyerno. Nararapat kasuhan ang mga ito dahil sa korapsiyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with