^

Punto Mo

Ang ‘Tange’ niyang Pag-ibig

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

SA dinami-dami ng nakarelasyon niyang kapwa babae, wala ni isa pang nag-stick sa kanya. Sa edad na 75 years old, nawala ang lahat ng kanyang minahal. Ang mga babaeng kinahumalingan niya at pinaglaanan ng pera at panahon ay pinili pa rin ang “normal” na pakikipagrelasyon sa bandang huli—ang relasyong babae sa lalaki. Masarap pa rin daw na maging asawa ang totoong lalaki kaysa kanya na babaeng nagpapakalalaki.

Ngayong nag-iisa na siya sa buhay, may mga bagay na pinanghihinayangan siya. Kung maibabalik lang niya.

Habang ka-live in niya ang ikalimang girlfriend na si Sara, biglang nagpakita ang kanyang ex-girlfriend  na si Karla. Nakapag-asawa pala ito ng Amerikano. Naging US citizen. Namatay ang Amerikano at pinamanahan siya ng bahay at malaking halaga ng pera. Nagbalikbayan ang bruha at hinanap siya. Nang magkita ay inalok siyang magkabalikan sila at para maisama na rin sa U.S.

Nalaman ito ni Sara at nag-alburuto. Malaking away ang nangyari. Palibhasa ay may binili na silang bahay at wala namang problema sa pagsasama, nagpasya siyang tanggihan ang alok ni Karla. Mas pinili niyang makapi-ling si Sara.

Isang araw ay iniwan siya ni Sara. May nakilala itong matandang Pinoy na US citizen. Nagpakasal sila ay nanirahan sa Hawaii. Ibinenta nila ang bahay at naghati sa perang napagbentahan. Ngayon ay masayang naninirahan si Sara sa Hawaii.

Malupit din magbiro ang tadhana. Tinanggihan niya ang American dream dahil kay Sara. Pero American dream din pala ang magiging dahilan para siya iwanang nakanganga ni Sara. Ngayon ay lagi niyang itinatanong kung bakit  napakatanga niya pagdating sa pag-ibig?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with