^

Punto Mo

EDITORYAL - Kaawaawa ang mga pasahero ng MRT-3

Pang-masa
EDITORYAL - Kaawaawa ang mga pasahero ng MRT-3

HINDI na biro ang nangyayari sa Metro Rail Transit (MRT-3). Kumakalas ang bagon at may “nakakalas” na braso. Sabi ng pamunuan ng MRT, maaaring sinabotahe kaya nakalas ang bagon sa main body ng train. Pero sabi ng ilang eksperto, hindi basta-basta nakakalas ang bagon sapagkat matibay ito. Mali anila ang sabihing sinabotahe.

Noong Martes, isang babaing pasahero ang nahilo at bumagsak sa riles ng MRT. Nagulungan ng MRT ang braso ng babae dahilan para ito maputol. Nagkataon na may isang medical intern na nakakita sa pangyayari at ito ang tumulong. Binigyan ng first aid ang biktima at saka dinala sa ospital. Naikabit muli ang braso ng biktima. Kung hindi sa pagtulong ng babae, maaaring hindi na naikabit ang braso.

HINDI lamang ang sunud-sunod na pagkasira ng Metro Rail Transit-3 (MRT-3) ang nagdadagdag sa kalbaryo ng daang libong commuters.

Sa nangyaring iyon, nadiskubre ang kawalan ng kahandaan ng MRT personnel sa pagdalo sa biglaang pangangailangan ng pasahero, Kapag nadisgrasya ang pasahero, unang-unang magpapanik ang mga tauhan ng MRT. Pati guwardiya hindi alam ang gagawin. Matatanggap na ang maya’t mayang pagkasira ng MRT, gaya nang paghiwalay ng bagon --- pero ang kawalan ng kaalaman sa biglaang pangyayari o aksidente ay nakababahala. Maaaring mapahamak o mamatay ang pasahero dahil sa kawalan ng kahan­daan ng MRT-3 personnel.

Hindi umano malaman ang gagawin ng mga security guard. Ni hindi kumilos para agarang mabigyan ng tulong ang biktima. Kawawa naman ang mga pasahero ng MRT-3. Hanggang kailan ang kanilang kalbaryo? Magandang pag-isipan kung dapat na ngang itigil ang operasyon ng MRT.

Para sa amin, mas makabubuti kung Sabado at Linggo itigil ang operasyon ng MRT-3. Walang opisina sa mga araw na ito kaya maisasakatuparan ang pagkumpuni sa MRT.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with