^

Punto Mo

Si Gen. Ronald dela Rosa ang pinakamasaya ngayon!

BAKAS! - Kokoy Alano - Pang-masa

NAPATUNAYAN natin na kaya naman pala talagang makiisa nang mamamayan sa programa ng gobyerno tulad nang nakaraang ASEAN Summit na naging mahinahon sa panahon ng panawagan nang pakikiisa  maliban sa inilunsad na protesta ng mga makakaliwang grupo na kinondena naman ng marami nating kababayan na naghahangad ng kapayapaan. Ganun pa man, naipakita naman ng PNP ang kahusayan nila sa pagpapatupad ng maximum tolerance at nag-boomerang sa mga aktibista ang kapintasan.

Hindi maisasantabi ang isyu ng human rights at mga bintang na extrajudicial killings sa bansa, pero nahulasan nang bahagya ang gobyerno ng mismong si US President Donald Trump ang nagkomento na maaring ang magkakalabang sindikato ng droga ang may kagagawan ng mga malalang krimen sa bansa.

Makailang ulit na nangatwiran si PNP chief Director Gen. Ronald dela Rosa na hindi niya pinahihintulutan ang mga salvaging at patunay dito ay marami ng miyembro ng PNP ang iniimbestigahan at ang iba ay nahaharap na sa kasong murder.

Nailipat na sa PDEA ang misyon sa pagsugpo sa bawal na droga at maganda naman ang mga naging performance ng mga tauhan ni Gen. Aaron Aquino patunay dito ang marami nilang nahuling pushers na nagbebenta ng mga bawal na droga kabilang ang mga party drugs na kalimitan ay mayayamang mga kabataan ang mga parukyano.

Mapapansin na dumami na naman ang kaso ng pagpatay sa mga kabataan na kalimitan ay mga magkasintahan na hinihinalang ginahasa at pinatay pa ang mga babae na maliwanag na kagagawan ito ng hindi normal na pag-iisip ng isang tao at malamang na lango sa droga, kaya naman naaalarma na naman ang mga magulang kung hindi pa umuuwi ang kanilang mga anak sa tamang oras.

Hindi maiaalis sa isipan ng mamamayan na kung hindi tumigil ang PNP sa kanilang operasyon ay hindi sana mangyayari pa ang mga ganitong krimen.

Kahit sa mga nangyayaring aksidente ng mga pampasaherong dyipni at cargo trucks ay maririnig natin na malamang diumano’y bangag o lango sa shabu ang driver nito, kaya marami na ang humihiling na bigyang muli ng poder ang PNP at buhayin ang operation tokhang na kanilang sinimulan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with