^

Punto Mo

Istatwa sa New York, aakalaing totoong sanggol

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

MARAMI ang natitigilan sa harap ng isang auction house sa New York City sa pag-aakalang may nakaiwan ng sanggol na natutulog sa stroller sa kanilang tanggapan.

Ang hindi alam ng karamihan, isa lamang itong iskultura na nililok ng artist na si Duane Hanson, na ibinase ang makatotohanang likha sa kanyang anak noong 1983.

Aabot sa $80,000 hanggang $120,000 (katumbas ng P4-6 milyon) ang halaga ng istatwa, ayon sa director of American art ng Heritage Auctions sa Manhattan.

Maaaliw daw ang sinumang mag-oobserba sa reaksyon ng mga napapadaan sa harap ng kanilang tanggapan kung nasaan ang “Baby in a Carriage, 1983” dahil halata raw na marami ang nagtataka kung totoong sanggol ba ang naka-display.

Ilang beses na raw na may tumawag sa kanilang staff upang ipaalam sa kanila ang sanggol na naiwang natutulog sa kanilang estante.

Ang pagkalito kung totoo ba o hindi ang sanggol ang layunin mismo ng naglilok nito na si Hanson, na kilala para sa kanyang mga makakatotohang obra.

Gawa sa polyvinyl ang baby, na nilagyan ng totoong blond na buhok sa bunbunan nito upang makumpleto ang pagiging “lifelike” ng iskultura.

Nakatakdang ibenta ang “Baby in a Carriage” sa isang auction sa darating na November 30.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with