^

Punto Mo

Life Pro Tips

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

(Part 13)

  1. Kung may nire-review kang lesson, magkunwari kang teacher at ang lesson na ituturo mo sa imaginary students mo ay ang subject na nire-review mo.
  2. Sa paglilinis ng microwave oven, maglagay ng isang bowl na tubig dito at ipainit ng one minute para mabilis matanggal ang dumi.
  3. Kapag ang baby ay nasaktan habang siya ay naglalaro at tumingin siya sa iyo, agad mo itong ngitian para hindi magdrama at umiyak. Minsan umiiyak ang baby dahil nasindak sa sigaw ng over acting na matatanda at hindi dahil nasaktan sila.
  4. Kung ikaw ay pinapayuhan, mas mainam na sagutin sila na “salamat sa payo or tama ka” kaysa sagutin sila ng “alam ko…”.
  5. Itago o ipunin ang silica packets na nakukuha sa biniling bag o sapatos. Ilagay ito sa tool box para hindi kalawangin ang mga gamit.
  6. Kapag ikaw ay nagalit sa isang tao at gusto mo siyang komprontahin, kalmahin muna ang kalooban. Umpisahan mo ang pagtatanong sa: Ano ba ang nangyari? Para makapagpaliwanag siya. Huwag umpisahan ang salita sa paninisi o kritisismo, sign ito na inakusahan mo na siya.
  7. Bago iuwi sa bahay ang sanggol na bagong silang galing sa ospital, ipaamoy muna sa asong alaga ang damit na naisuot na nito para maging pamilyar ang aso sa bagong member ng pamilya.
  8. Kapag magta-travel, ilista ang lahat ng items na bitbit mo. Kung uuwi ka na, mabilis mong matse-check kung may naiwan ka pang gamit sa hotel.
  9. Kung napapansin mong mabilis uminit ang iyong ulo, subukan mong gamitin ang iyong non-dominant hand sa mga simpleng gawain: pagsesepilyo, pagtitimpla ng kape, etc. Nakakatulong ito para lumakas ang self control.
  10. Upang maiwasan ang pag-apaw ng sabaw habang pinakukuluan, tanggalin ang takip at ipatong sa ibabaw ng kaldero ang isang wooden spoon or kahoy na sandok.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with