^

Punto Mo

Isla Paraiso (76)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

IKINULONG sa hiwalay na cage si Bart.

“Ilang ahas ang kaya mong katabi sa pagtulog?” Tanong ni Benhur. Nasa di-kalayuan sina Alexis at Lolo Kandoy.

“Huwaggg! Huwaggg! Takot ako sa ahas!’’ Sabi ni Bart. Putlang-putla.

“Kanina hawak mo pa ang granada at balak mo pa kaming pasabugin ano. Nasubaybayan namin ang kilos mo. Sino ang nag-utos sa iyo na pasabugin kami?’’

 “Ako lang! Ako lang ang may plano nito! Wala nang iba.”

“Talaga? Magsabi ka ng totoo kung hindi ibubuhos ko lahat diyan sa kinakukulu­ngan mo ang maraming ahas.’’

“Nagsasabi ako ng totoo. Walang ibang may plano kundi ako.’’

“Matigas ka talaga ha?”

Lumapit si Benhur kina Alexis at Lolo Kandoy.

“Ayaw magsalita kahit sinabi kong lalagyan ng ahas sa cage niya.’’

“E di lagyan mo na talaga ng ahas para magsalita.’’

“Saan ako kukuha ng ahas Lolo?”

“Teka at kukuha ako. Aa­lisan ko ng kamandag.’’

Umalis si Lolo.

Lumapit muli si Benhur kay Bart.

“O magsasabi ka na ng totoo o gusto mong may katabing ahas diyan sa kulungan?’’

“Wala talagang nag-utos sa akin. Ako lang talaga ang nagplanong i-rescue sina Big Boy. Maniwala ka Benhur.’’

“Hindi si Jumbo?’’

“Hindi. Walang alam si Jumbo rito.’’

“Talagang matigas ka ano? Baka mamaya e itanggi mo na rin si Jumbo na lider n’yo.’’

“Hindi talaga si Jumbo?”

“Hindi!’’

Maya-maya, dumating si Lolo Kandoy. May dalang sako.

“O Benhur, nagsalita na ba yan?’’

“Ayaw Lolo. Matigas talaga eh.’’

“E di bigyan mo ng katabi sa pagtulog. Dalawa ang ilagay mo.’’

“Ikaw na po kaya ang mag­lagay Lolo. Hindi ako sanay humawak niyang nasa sako.’’

“O sige pero sa huling pagkakataon e tanungin mo uli at baka naman magsabi na.’’

“O isang pagkakataon pa. Sino ang nag-utos sa iyo para pumunta rito?’’

“Ako lang. Wala nang iba. Walang alam si Jumbo rito!’’

Biglang dinukot ni Lolo Kandoy ang nasa loob ng sako. Dalawang ahas ang nakuha. Inilagay iyon sa cage na kinaroroonan ni Bart.

Nagsisigaw si Bart.

“Huwag, alisin n’yo! Alisin n’yo! Magsasabi na ako. Lahat nang lihim sasabihin ko. Pati na ang balak ng may-ari ng minahan. Alisin n’yo ang ahassss!”

Napangiti sina Benhur at Lolo.

“Sige sabihin, mo lahat!”

(Itutuloy)

 

 

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with