^

Punto Mo

Pating mula sa panahon ng dinosaurs, nahuli ng researchers sa Portugal

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG pambihirang nilalang mula sa pinakailalim ng karagatan ang nahuli kamakailan lang ng researchers sa Portugal.

Nagsasaliksik ang mga researchers ng paraan kung paano maiwasang mahuli ng lambat ang mga isdang hindi naman ibinebenta o kinakain nang mahuli sa kanilang lambat ang isang frilled shark.

Ang nasabing pating – na nasa limang talampakan ang haba at nagtataglay ng 300 ngipin, ay tinatayang nahuli mula sa 2,000 talampakan sa ilalim ng karagatan. Inilarawan ng mga nakahuli sa pating ang ulo at mahabang katawan nito na maihahalintulad daw sa ulo at katawan ng mga ahas.

Tinatawag na “living fossils” ang mga frilled sharks dahil walang nagbago sa kanila sa 80 milyong taong pamamalagi nila sa daigdig. Malayo silang kamag-anak ng mga pating na karaniwan nang nakikita katulad ng great white sharks at panahon pa lang ng dinosaurs ay lumalangoy na sila sa mga karagatan.

Dahil sa pambihira lang makita ay hindi alam ng mga siyentista ang populasyon ng frilled sharks sa buong mundo. Karaniwan silang nakikita sa karagatang Atlantiko at sa mga baybayin ng Japan at Australia.

Ang huling beses na may nahuling frilled shark ay noon pang 2007. Buhay pa nang malambat ang pating ngunit namataydin ito kaagad nang ilipat sa isang marine park.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with