^

Punto Mo

‘Ilog sa Bulacan, binaboy ng pabrika ng papel’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

#SUMBONG PROMDI isang concerned citizen ng Calumpit, Bulacan ang nagpadala ng kanyang reklamo sa aming Hybrid Integrated Public Servce.

Ang kanyang reklamo, ang ilog sa Bgy. Iba Este, kinabog ang Pasig River sa karumihan. Nuknukan ng itim, baho at dumi raw ng tubig.

Ang sanhi, ang SCG Packaging United Pulp and Paper Co., Inc na pabrika ng mga papel, diretso sa ilog ang nagbubulwakang waste components na lumalabas sa malalaking tubo nila sa likod ng pabrika.

Mula raw nang mag-operate ang putok sa buhong pabrika ay nagkandamatay na ang mga isda at hipon kaya’t unti-unti na rin namamatay ang kabuhayan ng mga mangingisda sa lugar.

Kita ninyo, isang pagkakamali lang subalit parang domino ang resulta at marami ang naperwisyo!

Inilapit na rin daw nila ito sa lokal na pamahalaan at Environmental Management Bureau at napag-alaman na clear at walang toxic na inilalabas ang tubig galing sa pabrika.

Bulag ata ‘tong mga hinayupak na natutulog sa pansitan! Hoy, mga gunggong! Imposibleng hindi kayo pamilyar sa Republic Act No. 9275 o Philippine Clean Water Act of 2004. Magbasa nga kayo at pag-aralan n’yo ‘to!

Para makasiguro tinawagan namin ang EMB Dir. ng Region III na si Lor Claudio, inaksyunan naman raw ‘to at may paglabag talaga na nangyari at binigyan na ng penalty! Sa ngayon raw ay patuloy pa rin ang monitoring kagaya ng ambient air sampling.

Kaya kayo riyan sa pabrika ng papel na inirereklamo, humanda na kayo dahil kapag nagkataon,  tigil-negosyo ang kahahantungan n’yo!

Kaparehong reklamo? Ipa-Kilos Pronto mo! Sundan ang aming facebook page at magmensahe, magpadala ng litrato at video para suportahan ang inyong mga reklamo.

Para sa serbisyo publiko, maaari n’yong abangan ang aming programa na Kilos Pronto, 5:00-6:00 p.m. sa PTV4 simulcast sa aming official website at FB page. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with