Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Isla Paraiso (72)

NANG tunghayan nina Alexis at Benhur ang hukay na itinuro ni Lolo Kandoy, kinilabutan ang dalawa sa nakita ---- napakaraming ahas! Nagsala-sala­bid sa dami. May nagpipilit umakyat pero nalalaglag ang mga ito dahil nahihila  ng kapwa ahas.

“Paano mo naipon ang mga ahas na ito, Lolo Kandoy?’’ Tanong ni Alexis na hindi makapaniwala.

“Matagal ko nang inaa-lagaan ang mga ‘yan. Yung iba diyan e anak na lang. Diyan na sila nangingitlog. Nag-umpisa lang yan sa sampung ahas na nahuli ko sa palayan. Bawat mahuli ko e tinatapon ko diyan.’’

“Ginawa mo ang balon na ‘yan, Lolo?” Tanong ni Benhur.

“Hindi! Natagpuan ko na lang basta ang hukay. Parang binagsakan yata ng bomba. Malalim yan!’’

“Pambihira ito! Balon ng ahas!’’

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

“Paano kung may mahulog diyan Lolo?’’

“Aba e himala na lang kung mabuhay siya sa kamandag ng mga ‘yan.’’

“Delikado pala ritong maglakad at baka mabuslot sa hukay na ‘yan.’’

“Kaya nga bihira ang nagagawi rito. Alam kasi ng ilang tagarito na mayroon ditong balon ng ahas.’’

“E Lolo, paano mo gagamitin ang mga ahas sa kalaban natin?” Tanong ni Alexis.

“Kukuha ako ng ahas diyan!’’

Nanlaki ang mga mata ni Alexis.

“Paano ka kukuha e ang lalim niyan?’’

“Ako ang bahala. Kahit ilang ahas e makukuha ko.’’

“Paano?’’

“Manood kayo!’’

Kumuha nang mahabang sanga ng madre kakaw si Lolo at inilawit sa hukay. Kumalawit ng ahas.

Nakakuha agad ng isang cobra dahil sumabit ito sa magkaikis na sanga ng madre kakaw.

Nang itaas ni Lolo ang madre kakaw, agad niyang dinampot ang kobra. Hina­wakan sa ulo. Walang kakilus-kilos ang kobra.

Hindi makapagsalita ang dalawa sa ginawa ni Lolo.

“O tingnan n’yo kung paano ko hinawakan ang kobra. Madali lang. At eto ang gagawin nating armas sa mga sasalakay sa atin. Tingnan ko kung hindi mamuti ang talampakan nila sa takot.

Samantala, papalapit na sa kanila si Bart – ang tauhan ni Jumbo na inatasang magre-rescue kina Big Boy at Paquito.

Mahigpit ang hawak ni Bart sa granada. (Itutuloy)

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: