Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Imbentor sa England na tinaguriang ‘Iron Man’ nagtala ng bagong World Record

BINASAG ng tinaguriang  “real-life Iron Man” ang world record para sa pinakamabilis na paglipad habang suot ang isang jet pack.

Lumipad sa ibabaw ng isang lawa sa Lagoona Park sa Reading, England nito lamang Huwebes ang imbentor na si Richard Browning sa pamamagitan ng kanyang nilikhang jet pack na kanya mismong isinuot.

Umabot sa bilis na 32.02 mph ang bilis ng lipad ni Browning bago siya nagkamali sa pagpihit paliko na dahilan ng kanyang pag-bagsak sa lawa.

Bagama’t nag-crash sa tubig ay hindi naman nasaktan si Browning at masasabi rin na tagumpay ang kanyang ginawang paglipad.

Wala pa kasing nakakaabot sa bilis na kanyang naitala habang lumilipad gamit ang kanyang jet pack.

Binubuo ng anim na makina ang jet pack ni Browning at apat dito ay nasa kanyang mga braso upang makontrol niya ang direksyon ng kanyang paglipad.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Dahil mahalaga sa pagkontrol ng jet pack ang kilos ng may suot nito ay kailangang nasa magandang pangangatawan ang gagamit ng jet pack.

Bagama’t hindi niya naging inspirasyon si Iron Man, natutuwa pa rin si Browning na inihahalintulad siya sa nasabing comic book superhero, na katulad niya ay nag-imbento rin ng kasuutang magpapalipad sa may suot nito.

Pangarap ng imbentor na balang araw ay maging pangkaraniwan na lang ang paglipad sa maraming tao.

Aminado naman siya na matatagalan pa bago mangyari ito dahil bago pa lang ang teknolohiya sa likod ng jet pack na kanyang nilikha.

 

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: