Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Tanong sa LTO: Binayarang plaka ng sasakyan anong nangyari?

Nabasa ko na ang mga dating pinuno ng Aquino administration ay ipinagharap na reklamo dahil sa maanomalyang deal sa MRT. Kailan naman kaya makakasuhan ang mga pinuno ng Land Transporation Office (LTO) na naningil ng bayad sa plaka pero hanggang ngayon, dalawang taon na ang nakalilipas ay wala pang naidedeliber.

Nagbayad ako ng P450 para sa pagpapalit ng plaka pero wala nang balita rito. Gaano karami ang nagbayad ng P450 sa buong bansa. Napakalaking pera nito na hindi malaman kung saan dinala. Wala namang masabi ang LTO kung bakit wala silang maibigay sa mga nagbayad. Isang malinaw na korapsiyon ito.

Marami akong naririnig na hindi na raw maidedeliber ang mga plaka dahil sa kapalpakan sa LTO. Kung ang driver’s license nga ay hindi maideliber, ang plaka pa kaya?

Kung ganito ang nakikitang mangyayari, dapat ibalik ng LTO ang ibinayad ng katulad kong motorista. Kung hindi kayang maideliber ang mga plaka, dapat isauli ang aming binayad. Kawawa naman ang mga katulad kong motorista na ilang taon nang umaasam na mapapalitan ang plaka.

Sana ay hindi na lang nagsagawa ng pagsasaayos sa plaka ang Aquino administration sapagkat tila pinagkaperahan lamang ang mga motorista. Okey naman ang dating plaka at nakapagtataka kung bakit binagu-bago pa. Gusto lang sigurong magkapera ang mga corrupt kaya pinasok ang plate modernization na sa totoo lang ay hindi naman kailangan.

Nararapat nang makialam si President Duterte sa isyung ito sapagkat hindi maliit na halaga ang sangkot. Ang alam ko galit si Digong sa mga korap kaya dapat magkaroon ng linaw ang tungkol sa plaka.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Kasuhan ang dapat kasuhan. Kung hindi magiging matigas laban sa mgha korap, walang mangyayari sa bansa. Lagi na lamang maghihirap sapagkat may mga nagsasamantala.

Nananawaagn ako kay Digong na utusan ang LTO na ibalik ang ibinayad ng motorista sa plaka na hindi nila nadeliber. Tapusin na ang katiwalian sa LTO.

---ROGER MANLISISIS, Paso de Blas, Valenzuela City

* * *

Mayroon ba kayong puna, komento o suhestiyon, ipadala sa PM. Email address: pinongstar@yahoo.com

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: