Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Isla Paraiso (71)

KINAUMAGAHAN, naghanda na si Bart para sa gagawin niyang solo rescue sa mga nakakulong na sina Big Boy at Paquito.

Nagpaalam siya kay Jumbo.

“Aalis na ako Bossing. Mamayang bago magtanghali, narito na kami nina Big Boy at Paquito.’’

“Talagang malakas ang fighting spirit mo ha?’’

“Iba ako Bossing. Pagsinabi ko, gagawin ko.’’

Napangisi si Jumbo. Mukhang magtatagumpay si Bart sa misyon nito. Mas matapang at determinado ito kumpara kina Big Boy at Paquito.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

“Sige, lumarga ka na, Bart para maisagawa ang pag-rescue kina Big Boy at Paquito. Tuparin mo ang sinabi mo.’’

“Oo Bossing. Maghintay ka lang.’’

“Talagang kaya mong mag-isa ha?’’

“Yakang-yaka!’’

Umalis na si Bart habang hawak ang isang granada. Yun lang ang dala niya. Isang hagis lang daw at matutuliro na ang mga kalaban.

Tinanaw ni Jumbo ang pag-alis ni Bart. Kapag nagtagumpay ito, may binabalak siya. Ito na ang gagawin niyang kanang kamay. Ilalag­lag na niya sina Big Boy at Paquito na parehong “abo” ang laman ng ulo. Mukhang malaki ang magagawa ni Bart para madaling maitayo ang minahan. Ang mga katulad ni Bart ang hinahanap ng dayuhang may-ari ng minahan.

Nang mga sandaling iyon ay nag-uusap sina Alexis, Lolo Kandoy at Benhur.

Pinag-aaralan nila ang mga gagawin sakali at sumalakay ang iba pang mga tauhan ni Jumbo.

“Palagay ko Sir Alexis at Lolo Kandoy, may sasalakay pa rito sa kampo natin para iligtas sina Big Boy. Maaaring nagtataka na si Jumbo kung bakit hindi pa bumabalik ang mga tauhan niya.’’

“Maghahanda tayo, Benhur,” sabi ni Alexis. “Kahit pa marami sila, kayang-kaya natin. Basta narito si Lolo Kandoy, wala tayong kakaba-kaba.’’

“Oo nga Sir Alexis. Malaki ang tiwala ko kay Lolo.’’

Nagsalita si Lolo.

“Di ba nabanggit ko ang tungkol sa lapinig, yung tigreng bubuyog na balak kong gamitin sa mga sasa-lakay sa atin? Hindi muna yun ang gagamitin natin. Pang-pinale na yun, May naisip akong paraan na mas epektibo para matakot ang mga sasalakay sa atin.’’

“Ano po Lolo Kandoy?’’

“Mga ahas ang pakakawalan natin para matakot sila. Kapag nakita nila ang mga ahas na pakakawalan natin, hindi na sila babalik dito.’’

Napangiti si Alexis at Benhur.

“Saan ka kukuha ng ahas, Lolo Kandoy?” Tanong ni Alexis.

“Halikayo at ipakikita ko.’’

Sumama sila kay Lolo Kandoy.

Pumasok sila sa masukal na lugar.

Isang hukay – parang balon ang nakita nila.

(Itutuloy)

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: