Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Shrapnel mula pa noong World War 2, inalis sa binti ng babae sa China

ISANG 90-anyos na babae sa China ang inoperahan upang maalis ang shrapnel na higit 70 taon nang nakabaon sa kanyang binti.

Noon pang World War 2 nanggaling ang shrapnel, nang abutan si Hu Jinhua ng pag-atake ng isang Japanese aircraft sa Guangxi province.

Apat na buwang buntis noon si Hu at wala silang pambayad ng kanyang asawa sa doktor kaya tiniis na lang niya ang tinamong sugat sa binti.

Kinabukasan ay nasagip si Hu ng mga kababayan niyang gerilya, na sinubukang operahan ang kanyang binti ngunit bigo silang nakuha ang bumaong shrapnel kaya binendahan na lang nila ang sugat.

Makalipas ang higit pitong dekada ay kamakailan lang naalis ang shrapnel na may habang 1 centimeter sa binti ni Hu matapos siyang dumaing ng sakit sa kanyang binti noong Oktubre.

Pinag-isipan ng mga doktor kung kailangan bang putulin ang binti ni Hu na namamaga na. Sa huli, napagpasyahang operahan na lang ito upang alisin ang shrapnel dahil baka hindi na kayanin ng katawan ng 90 anyos ang amputation.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Matapos maalis ang shrapnel ay tinapalan ng synthetic na buto napinsalang bahagi ng binti ni Hu, na ngayon ay nagpapagaling na mula sa operasyon.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: