Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Kumusta na sina Marvin Marcos at Jovie Espenido?

HINDI pa nagtatagal nang maging sensational ang mga pangalang Chief Inspector Jovie Espenido at Supt. Marvin Marcos sa bokabularyo ng drug syndicates dahil sa mabilis bagama’t marahas na pagsupil ng mga ito sa paglaganap ng bawal  na droga saan man sila madestino.  Marami ang tumindig ang balahibo sa pagkamatay nina Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa at Ozamis City Mayor Reynaldo Parojinog na kilalang mga bigating pulitiko na sabit sa bentahan ng bawal na droga. Naging kontrobersyal na lalo si Espenido nang mabalitang idedestino ito sa Iloilo City kung saan ang mayor ditong si Jade Patrick Mabilog ay sangkot din  diumano sa bigtime illigal drug business.

Lima namang mayors sa Southern Tagalog ang pinangalanang sangkot din sa bawal na droga ang tinanggalan ng supervision sa kanilang kapulisan dahil din sa pagkakasangkot sa operasyon ng bentahan ng droga. Sila ay sina: Lemery, Batangas Mayor Eulalio Allio; Tanauan, Batangas Mayor Antonio Halili; San Pablo City Mayor Loreto Amante; Teresa, Rizal Mayor Raul Palino; at Rodriguez, Rizal Mayor Cecilio Hernandez.

Kung meron sanang ilan pang opisyal ng PNP na tulad ni Espinido at Marcos, eh ‘di sana’y solve na ang problema sa mga bayang nabanggit dahil siguradong iikot ang puwet ng mga ito sa kanilang kinauupuan at malamang na mag-disappearing act din tulad ni Mabilog na hanggang ngayon ay nasa abroad pa.

Kahit nailipat na sa PDEA ang bulto ng war on drugs operations sa pamumuno ni Gen. Aaron Aquino, may mandato pa rin ang PNP na suyurin ang kanilang nasasakupan, at kung kinakailangan ang pangil at kamay na bakal ang gamitin upang maipatupad ang batas,  meron silang kapangyarihan na gawin ito.

Marami na rin ang accomplishments ni  General Aquino at umaani na ito ng hindi mabilang na papuri lalo na sa pagkakahuli kay Drug Queen Yu Yuk Lai at sa anak nitong si Diane Yu Uy na patuloy pa rin ang karumal-dumal na hanapbuhay kahit nasa loob na ng kulungan.

Binaha ng batikos ang PNP mula sa simbahan at mga makakaliwang organisasyon  dahil sa ilang police anti-drug  operation lapses na kung tutuusin ay maliit na porsiyento lamang ng kabuuan ng kanilang epektibong accomplishments pero, para hindi na lumala pa ang isyu ay inilipat nga ito sa PDEA.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Laganap na naman ang karumal-dumal na krimen at kung talagang alam ng mga kritiko ng administrasyon ang solusyon, sige nga, ilatag ang alam ninyong mas mainam na dapat gawin. Hihintayin ko yan!

  

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: