Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Clearing operations sa mga barangay, ituluy-tuloy lang!

Tuluy-tuloy ang isinasagawang clearing operations sa pa-ngunguna ng MMDA kasama ang mga lokal na pamahalaan sa ibat-ibang lugar sa Metro Manila bilang bahagi   ng preparasyon sa  nalalapit na   Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) Summit.

Layon nito na malinis ang mga nakakagambala sa trapiko.

Kabilang nga dito ang  mga nakatayong ilegal na istraktura sa mga daanan.

Bagamat sinasabing, hindi lang ito dahil sa nalalapit na summit, kundi regular daw itong ginagawa  para malinis sa mga obstruction ang mga daanan at mapaluwag ang trapiko.

Sa kanilang mga paglilinis,  matindi ang mga natutuklasan, dahil mukhang mismong mga barangay officials ang siyang nangunguna sa ganitong mga paglabag.

Sa Maynila,   apat pa na barangay na napasok ng MMDA, naku dito nga, alam ba ninyong may ilan na itinayo ang barangay hall at mga barangay outpost  sa mga bangketa at may isa pa nga na mismong sa kalsada.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Tama ba naman ito?

Madalas na ganyan, nagtatayo ng outpost ang barangay sa malalapad na bangketa, ngayon sila ang sinusundan ng ilang pasaway na nagtatayo na rin sa tabi nila ng kanilang bahay at ang ilan ay ginagamit sa kanilang negosyo.

Hindi lang yan sa Maynila, may ganito ring natuklasan sa Pasay City na winalis rin ng MMDA.

Kung talagang susuyurin ng MMDA ang iba pang lungsod, sangkaterba ang ganyan.

May ilan pa ngang barangay officials na pinapayagan ang ilan na magtayo ng istraktura sa mga bangketa at sa kanila nagbabayad ng pina-upa.

Imbes na madaanan ng tao, may nakatayong negosyo.

Sana nga ay magtuluy-tuloy ang ganitong clearing operations, kahit tapos na ang ASEAN at matutukan din ang ilang opisyal sa barangay na masasabing umaabuso sa kanilang kapangyarihan.

 

 

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: