Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Ang ‘Idiot’

NOONG nag-aaral pa ng kursong Law si Mahatma Gandhi sa isang unibersidad sa London, may isang white professor na mainit ang dugo sa kanya. Suplado ang propesor at racist. Minsang nasa cafeteria ng eskuwelahan, tumabi si Gandhi sa propesor na nadatnan niyang kumakain na. Hindi nagustuhan ng propesor ang pagtabi sa kanya ng estudyanteng si Gandhi kaya nagsalita ito.

Mr. Gandhi, alam mo bang hindi puwedeng magtabi ang  ibon at baboy kapag kumakain?

A, ganoon ba. Sige po at lilipad na lang ako doon sa kabilang mesa. Sorry po.

Gigil na gigil ang propesor kaya ginantihan niya ito sa grading oral recitation. Sinadya niyang pahirapan ang estudyanteng si Gandhi.

Mr. Gandhi, kung may nakita ka sa kalye ng isang sakong pera at isang sakong ‘wisdom’, alin sa dalawa ang pupulutin mo?

Siyempre po pera ang pipiliin ko.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Napangisi ang propesor.

Kung ako, mas mainam na wisdom ang kuhanin ko. Ang pera ay nauubos, pero ang ‘wisdom’…hindi!

Nagkibit balikat lang si Gandhi saka ulit sumagot.

Sir...kung ano ang wala ka, likas na sa tao na iyon ang pipiliin nila. Wala akong pera kaya iyon ang pinili ko.

Kapag may oral recitation, ang grade ay isusulat ng propesor sa card tapos pipimahan niya. Iyon ang ibibigay sa estudyante.

Asar ang propesor dahil pasimple siyang binara-bara ni Gandhi. Kaya sa sobrang galit sinulatan niya ang card ng IDIOT at ito ang iniabot kay Gandhi. Kalmadong tinanggap ni Gandhi. Hinabol niya ang propesor.

Sir, isinulat mo lang ang iyong pangalan sa card pero nakalimutan mong isulat ang grade ko.

               

             

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: