^

Punto Mo

Eroplano, nag-emergency landing, matapos magwala ang pasahero na nabisto ang pambababae ng asawa

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAPILITAN ang isang flight na mag-emergency landing matapos magwala ang isa mga pasahero nito na nabistong nambababae ang kanyang asawa.

Ang babae, na isang Iranian national, ay sakay ng Qatar Airways flight na biyaheng Doha to Bali kasama ang kanyang asawa at anak.

Nabisto ng babae ang pangangaliwa ng kanyang asawa nang buksan niya ang cell phone nito habang ito’y natutulog sa kalagitnaan flight.

Dahil sa galit sa asawa, pinaghahampas ito ng babae, na sinubukang awatin ng cabin crew.

Matapos makita ng mga piloto na hindi pa kumakalma ang sitwasyon ay nagpasya na ang mga ito na mag-emergency landing sa Chennai, India.

Pinababa mula sa eroplano ang babae, pati na ang asawa at anak nito bago tumuloy sa paglipad papunta sa orihinal na destinasyon nito sa Indonesia.

Namalagi muna ng isang araw sa Chennai ang mag-anak bago sila sumakay ng isang flight na papuntang Kuala Lumpur ayon sa isang security official na hindi na pinangalanan sa mga ulat.

Wala namang naging pahayag ang Qatar Airways ukol sa insidente.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with