Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

‘Ipahiya ang mga walang paki na Yosi Kadiri!’

SA mga hindi pa nakaaalam, May 16, 2017 naipasa ang Executive Order No. 26 o ang Nationwide Smoking Ban sa Senado. Sa mga lalabag, P500 hanggang P10,000 ang multa at puwede ring makulong.

Layunin ng batas na mabawasan at maprotektahan ang mga nakalalanghap ng usok ng sigarilyo, na makaiwas sa anumang sakit pati na rin ang gumagamit nito. Kampanya rin ito na mabawasan ang usok na dulot ng polusyon.

Marami nang mga kompanya at maging building managements ang sumunod sa batas na bawal manigarilyo sa mga pampublikong lugar maging sa labas ng mga pribadong gusali.

Pero may ngilan-ilan pa rin sa ating mga Pinoy ang napakatigas talaga ng ulo na binabastos ang batas dahil ang dahilan ay hindi pa naman sila nahuhuli. Hoy mga kenkoy, kolokoy, tigilan na ang kalokohan n’yo.

Sarap sungalngalin ng mga `to na kahit may nakalagay ng karatulang No Smoking ay sige pa rin ang paghithit-buga. Walang pakialam kahit na hikain na sa usok ang mga nasa paligid nila.

Ang iba pa sa kanila, nag-iiwan ng kababuyan sa paligid, nagkalat ang mga upos at mga natirang sigarilyo. Mga iniwang bakas ng mga putok sa buhong mahilig manigarilyo pero hindi marunong maglinis at sumunod sa batas.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Sa panayam ng aming grupo kay Atty. Demiteer Huerta, Head Administration Sec ng Public Attorneys Office (PAO), isang criminal act ang paglabag sa EO No. 26.

Kung may makikitang matitigas na ulong kolokoy na naninigarilyo sa mga pinagbabawal na lugar maari itong ireport sa pinakamalapit na pulis o kawani ng MMDA.

Wala mang warrant of arrest ay puwedeng hulihin ang nagkasala, tinatawag itong citizen arrest. Ang complainant ang magsisiling witness kung sakaling itanggi man ito ng biktima.

Hinihikayat ko ang mga followers namin sa BITAG, BITAG Live at Kilos Pronto, maging ng kolum na `to, i-video ang mga kapal muks na Yosi Kadiri na walang pakundangan ang paninigarilyo sa publiko.

Ipadala ang inyong mga video sa Facebook page ng BITAG, BITAG Live o Kilos Pronto. Ilabas natin sa telebisyon ang pagmumukha ng mga kapreng `to para talaban nang matinding hiya!

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: