Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Tips kung nagsisimulang mangati ang lalamunan

  1. Sapat na pahinga sa loob ng isang linggo. Sa pamamagitan ng pagtulog ng 8-10 hours per night.
  2. Uminom ng mixture na ito: 1 cup maligamgam na tubig + 1 kutsarang apple cider vinegar + 1 kutsaritang honey. Unti-unting simsimin ang mixture.
  3. Magpakulo ng medium size luyang dilaw or turmeric sa isang tasang tubig. Tanggalin ang turmeric. Haluan ang turmeric tea ng honey at kalamansi.
  4. Sumipsip ng valda pastilles.
  5. Gumamit ng hot sauce sa iyong kakainin.
  6. Uminom ng Berocca isang beses per day. Tinutunaw ito sa isang basong tubig (room temperature).
  7. Damihan ang inom ng tubig, fresh fruit juice.
  8. Kumain ng tinola or chicken sopas. Igisa sa kaunting oil. Gamitin ang skinless, boneless chicken. Iwasan ang fat/oil na lalong nakakairita ng lalamunan.
  9. Mag-gargle ng salt water 3 beses per day.
  10. Ipahinga ang boses.
  11. Magpa-check up sa doktor kung ginawa mo na ang lahat pero walang epek pa rin.
Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: