^

Punto Mo

Gusot sa SSS at ang pagtataas ng contributions

PULSO NG MASA - Pang-masa

Sang-ayon po ako sa inyong opinyon na dapat ay ayusin muna ng Social Security Systems (SSS) ang nangyaring eskandalo bago magtaas ng monthly contributions. Naniniwala ako na maraming miyembro ang nagugulumihanan sa nangyaring eskandalo at hindi sila basta-basta naniniwala na walang pera ng members ang nagalaw. Paano makakasiguro ang miyembro na wala nga. Maaari bang mag-verify ang miyembro?

Narinig ko kasing sabi ng SSS chairman na wala naman daw pera ng miyembro ang nakuha at sariling pera ng apat na opisyal ang ginamit para sa stock trading. Pero paano nga maniniwala ang miyembro? Tanging ang SSS officials lang ang nakaaalam ng mga nangyayari sa loob.

Kaya nga naniniwala ako na dapat bago nagtaas ng contributions ay linisin muna ang eskandalo. Magkaroon muna ng patas na imbestigasyon para hindi magulumihanan ang maraming miyembro. Kailangang maprotektahan ang pera ng mga miyembro na matagal nilang inimpok. Marami sa miyembro ang nagtipid para lang may maihulog at saka ngayon ay mayroon silang mababalitaan na eskandalo sa stock trading sangkot ang mga SSS officials.

Isa pang hindi ko maunawaan ay ang sinabi ng SSS na nilagay sa ibang puwesto ang mga opisyal na sangkot. Ni-reassign daw. Bakit hindi muna ilagay sa floating status habang may im-bestigasyon. Kung ire-reassign e di patuloy din silang sumusuweldo. Sana hindi ganito. Lalo lang magkakaroon ng pagdududa ang mga miyembro sa pasyang ito.

Isa pa pong kuwestiyon ko sa SSS ay ang mahabang pila na nararanasan ng miyembro sa MAC. Napakaraming tao na halos umapaw. Pati ang bayaran ay mahaba ang pila. May mga counter na walang teller. Sana, aksiyunan ito dahil maraming miyembro ang gustong magbayad ng contributions at payment sa kanilang loan.

Maraming salamat.

--- CORAZON ISAMARITA, Project 6, Quezon City

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with