^

Punto Mo

Isla Paraiso (68)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAGPAPUTOK sina Paquito pero dahil wala na sa direksiyon ang kanilang mga baril, wala nang natamaan dahil pa-wang sa mata ang kanilang tama. Hindi nila makita kung saan nanggagaling ang mga bayabas na tumama sa kanila.

“Hindi ako makakita! Ang hapdi ng mata ko!” Sigaw ni Paquito nang tamaan ng ba-yabas na singlaki ng kastanyas. Halos mag-apoy sa hapdi ang kanyang kanang mata, At dahil doon, nagpaekis-ekis ang lakad niya. Parang lasing na hindi malaman kung saan susuling.

Ang kanyang mga kasama ay ganundin ang naranasan. Pawang sa mata ang tama kaya hindi makakita.

Wala silang kamalay-malay na sina Benhur ang nagpaulan ng mga bayabas gamit ang tirador. Ang mga bayabas ay binabad sa dinurog na sili. Si Lolo Kandoy ang may ideya niyon.

Hindi nakikita sina Benhur sapagkat pawang dahon  ng saging ang suot nila. Nasa mga puno ng saging sila nakapuwesto na halos ilang metro lamang ang layo. Kaya naasinta nila nang malapitan ang mga kalaban.

Hanggang sa nadisar-mahan sina Paquito. Walang nagawa ang kanilang baril sa mga tirador na ang bala ay bayabas with chili.

“Sige, igapos ang mga ‘yan at ikukulong natin sa cage kasama nina Big Boy. Sama-sama sila roon.’’

“Baka hindi na sila kayanin, Benhur.”

“E di mas maganda dahil babagsak sila sa balon na may linta.’’

Takot na takot si Pa-quito sa narinig.

“Huwag, maawa na kayo! Huwag n’yo kaming ikulong!’’

“O gusto mo ihulog na lamang namin kayo sa balon?’’

“Huwag maawa ka Benhur!’’

Pero nang dumating si Alexis, ito na ang nag-utos na ikulong sa cage ang mga bagong bihag.

“Sila ang ipapain natin sa mga kalaban. Bakasa-kaling lumisan na sila rito sa Isla.’’

Inilagay sa cage sina Paquito. Nagsama-sama sila nina Big Boy. (Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with