^

Punto Mo

Mga painting na gawa ng elepante mula India, ini-auction sa Hungary

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ILANG painting ng isang Indian Elephant na mahilig humawak ng brush at magpinta ang naging tampok ng isang auction kamakailan sa Budapest, Hungary.

Tatlo sa mga painting ng 42-anyos na elepante si Sandra ang naipagbenta sa halagang 40,000 forints bawat isa (katumbas ng higit P7,500).

Ang isa namang painting ni Sandra na naglalarawan mismo sa kanyang sarili ang naipagbenta sa halagang 260,000 forints (halos P50,000).

Hinahawakan ni Sandra ang brush sa pamamagitan ng kanyang mahabang ilong. Wala raw pumipilit sa kanyang magpinta dahil ginagawa niya lamang ito bilang libangan, ayon sa amo at trainer ng elepante na si Florian Richter.

Hindi raw siya katulad ng ibang mga elepante na pinipilit magpinta ng kanilang mga trainer kahit wala naman talagang angking hilig.

Hanggang pag-aabot lang ng brush at pagsasawsaw nito sa pintura ang tanging tulong na ibinibigay ni Richter kay Sandra sa tuwing nagpipinta ito.

Higit 40 taon nang inaalagaan at tine-train ni Richter si Sandra kaya naiintindihan na raw siya ng elepante kapag pinupuri niya ang mga mga likha nitong larawan o kahit sa mga pagkakataong hindi siya nagagandahan sa mga ito.

Matagal na ang pinagsamahan ng dalawa dahil baby elephant pa lamang si Sandra nang siya ay mapunta sa pangangalaga ng circus na pinapatakbo ng pamilya ni Richter.

Plano namang ibigay bilang donasyon sa isang elephant sanctuary sa Malaysia ang mga kinita mula sa pagbebenta ng mga paintings ni Sandra.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with