^

Punto Mo

Mga taong inulan ng kabiguan

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

… pero nagtiyaga kaya nakamit ang tagumpay:

Stephen King

Dati na siyang nagsusulat ng maikling kuwento. Nagtangka siyang sumulat ng nobela tungkol sa isang dalagitang may telekinesis. Pinangalanan niya ang babae na Carrie at iyon na rin ang naisip niyang ititulo sa nobela. Lalong lumalakas ang kapangyarihan ni Carrie tuwing rereglahin ito.

Ang problema ay hindi niya mabuo ang karakter ni Carrie tuwing ito ay rereglahin dahil kulang siya sa kaalaman tungkol sa monthly period ng babae. Sa sobrang inis, ginusot niya ang lahat ng kanyang na-type na pahina at itinapon ito sa basurahan. Ayaw na niyang ituloy ang pagsusulat ng nobela.

Ang ginusot ng mga papel na kinasusulatan ng draft ng kanyang nobela ay nakita ng kanyang misis na si Tabby. Pina-lantsa ni Tabby ang gusot na mga papel at binasa ang nakasulat dito. Manunulat si Tabby kaya tinulungan niya si Stephen sa characterization ni Carrie. Nabuo ang nobela. Inialok ito sa 30 publikasyon, na sa kasamaang palad ay tumangging lahat dahil wala silang nakikitang potensiyal na ito ay magiging mabentang nobela.

Isang araw tinawagan sila ng isang publication company. Nagustuhan nito ang nobela. Naging big hit ito hanggang sa gawin na rin itong pelikula. Ang Carrie ang nag-angat sa writing career ni Stephen King.

Michael Jordan

Sumali sa basketball summer camp si Michael para ma-qualify sa high school basketball team. Kahit magaling maglaro, kulang sa height si Michael na noon ay 5’11 lamang. Ito ang naging dahilan para hindi siya mapili. Ang height ng mga napi-ling players ay 6 feet o mas mataas pa. Pagdating sa bahay ay umiyak talaga si Michael sa sobrang kabiguan.

Palibhasa ay kinakitaan ng potensiyal, isinali siya sa junior team na mas mababang height ang requirement. Ang pagkakataong ito ang ginamit ni Jordan para ipakita na nagkamali ang mga coach sa pag-reject sa kanya. Kahit kulang sa height ay siya ang pinakamagaling na player sa junior division.

Araw-araw tuwing umaga ay nagpapraktis siya sa pagba-basketball. Lalo siyang gumaling at parang hinigit ang kanyang katawan paitaas dahil bigla siyang tumangkad. Ang height niya noong high school na 5’11 ay naging 6’6.

Ang ilan sa mga accomplishment niya ay NBA Most Valuable Player, NBA All-Defensive Team, Bill Russell NBA Finals Most Valuable Player, All-NBA Team, NBA All-Star Game Most Valuable Player, Best NBA Player ESPY

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with