^

Punto Mo

EDITORYAL - Sundalong looters imbestigahan agad

Pang-masa

KAKAHIYA kung totoo na sangkot sa pagnana-kaw ang ilang sundalo habang nagaganap ang bakbakan sa Marawi City. Mga bayani pa namang itinuring ang mga sundalo na limang buwan na nasa gitna nang matinding labanan.

Ayon sa report, anim na sundalo ng army, at isang officer ang iniimbestigahan sa akusasyong nagnakaw sila sa mga bahay sa Marawi habang may bakbakan doon. Ayon kay Task Group Ranao deputy commander Col. Romeo Brawner Jr. wala pang ikinakaso sa mga sundalo pero nananatili na lamang sila sa barracks at dinisarmahan na. Kapag sa imbestigasyon ay napatunayan silang guilty, kakasuhan na sila at mahaharap sila sa kasong administratibo at criminal. Inabandona ng libong residente ang kanilang mga bahay nang magsimula ang kaguluhan noong Mayo 23.

Ayon sa report, pawang appliances ang umano’y tinangay ng mga sundalo na kinabibilangan ng mga electric fan. Ayon naman sa mga sundalong nahaharap sa kaso, hiniram lamang umano nila ang mga gamit at hindi ninakaw. Marami umano ang makakapagpatunay na hindi sila nagnakaw sa mga bahay-bahay.

Dinepensa naman ni Brawner ang mga sundalo     at sinabing hindi lahat ng mga nangyaring nakawan o looting sa mga bahay na abandonado ay kagagawan ng mga sundalo. Batay umano sa drone footage, ang mga Maute-ISIS ang nag-ransacked sa mga bahay at nagnakaw ng mga alahas, pera at appliances. May mga ebidensiya umano na ang mga terorista ang nagsamantala.

Dapat maimbestigahan agad ang nangyaring looting na sangkot ang mga sundalo para malinis ang kanilang pangalan. Sayang ang kanilang kabayanihang ipinakita. Marami sa kanila ang nagbuwis ng buhay sa pakikipaglaban. Hindi biro ang limang buwan na pakikipagbakbakan na masisira lamang dahil sa pagnanakaw ng appliances gaya ng electric fan.

Bilisan ang imbestigasyon at nang maigawad ang kaparusahan kung meron man silang nagawang kasalanan. Kung wala dapat linisin ang kanilang pangalan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with