^

Punto Mo

Sa kabila nang hindi mabilang na kabiguan,

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

… narito ang mga taong sa wakas ay nakamit din ang tagumpay:

 

Walt Disney

Nakatikim si Walt Disney ng 302 rejections bago may nakumbinsing mag-finance ng kanyang proyektong theme park na tatawagin niyang Disneyland.

Steven Spielberg

Hindi tinanggap si Steven Spielberg sa film school: University of Southern California School of Cinematic Arts dahil mababa ang grade point average niya sa high school.

Sa kabila ng kabiguang makapag-aral sa sikat na film school, nakalikha siya ng blockbuster movies kagaya ng E.T., Jaws, Jurassic Park, Saving Private Ryan, Schindler’s List and Catch Me If You Can.

Naging director siya ng 29 films, nanalo ng three Oscars, including two for Best Director. Kumita ang kanyang mga pelikula ng higit sa $4 billion worldwide, na naging tulay para ituring siyang highest grossing film director sa buong mundo. Ang  kanyang net worth ay higit-kumulang na $3 billion.

Vera Wang

Nabigo siyang makasali sa 1968 US Olympic figure-skating team. Nagsulat sa Vogue magazine at naging editor. Ngunit sumama ang loob niya dahil ibang tao ang inilagay sa editor-in-chief position. Siya na kasi ang “next in line” pero hindi siya ang pinili.

Sinubukan niyang magdisenyo ng wedding gown noong 40 years old na siya.  Sa kasalukuyan ay isa siya sa itinuturing na, na may business worth na $1 billion. (Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with