^

Punto Mo

EDITORYAL - Isaayos muna ang gusot sa SSS bago magtaas ng contributions

Pang-masa
EDITORYAL - Isaayos muna ang gusot sa SSS  bago magtaas  ng contributions

MAY pumutok na eskandalo sa Social Security Systems (SSS) noong nakaraang linggo. Apat na matataas na opisyal ang inaakusahang sangkot sa maeskandalong stock trading. Sabi ng SSS, sasampahan ng kasong administratibo ang mga opisyal. Ni-reassign na sa ibang gawain ang mga opisyal na sangkot para masiguro na tuluy-tuloy ang operasyon ng pension fund. Ginawa ang reassignment para magkaroon ng patas na imbestigasyon sa mga ito. Sinisiguro ng SSS na magkakaroon ng wastong proseso sa imbestigasyon. Ang mga akusasyon at reklamo sa mga sangkot na opisyales ay masusi umanong iimbestigahan.

Dalawa naman sa inaakusahang opisyal ang nag-resign na sa puwesto. Ang nag-resign ay sina Reginald Candelaria at George Ongkeko. Si Candelaria ay equities investment division chief samantalang si Ongkeko ay nagsisilbing chief actuary. Ang dalawa pang opisyales ay sina Rizaldy Capulong, executive vice president for investment at Ernesto Francisco Jr., head ng equities product development.

Nabuking ang eskandalo nang mag-file ng complaint si SSS Commissioner Jose Gabriel La Viña sa apat na opisyal. Inakusahan niya ang mga ito ng serious dishonesty and grave misconduct.

Sa kabila ng akusasyon sa SSS officials, ipinahayag naman ng ahensiya na ang Investment Reserve Fund, na mula sa kontribusyon ng mga miyembro at kita sa investment ay buo, protektado at propesyonal na pinangangasiwaan. Tiniyak ng SSS na walang pondo ng miyembro ang nagamit o nakompromiso sa nasabing eskandalo.

Hindi maiiwasang mangamba ang may 32 milyong miyembro ng SSS sapagkat sangkot dito ang kanilang buwanang contributions. Pinaghirapan nilang ihulog ang pera at saka mababalitaan nilang may mga opisyales ng SSS na sangkot sa maeskandalong stock trading.

Sa nangyaring ito, nararapat na huwag na munang ituloy ng SSS ang balak na pagtataas ng contributions ng miyembro sa 2018. Isaayos muna ang gusot. Tapusin ang imbestigasyon sa apat na opisyales at ipaliwanag sa miyembro. Kapag maayos na, saka ituloy ang taas-contributions.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with