^

Punto Mo

‘P600,000 na halaga ng mga gamit sa balikbayan box, inukay-ukay!’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

BABALA sa mga magpapadala ng balikbayan boxes at kung anu-ano pang kargamento ngayong Pasko: Mag-ingat!

Kalbaryo ang sinapit ng isang OFW matapos magoyo ng isang dorobong freight forwarding company. Dahil ang kanyang anim na balikbayan boxes galing Amerika, naglahong parang bula!

Pangako sa biktima, dalawang buwan lang nasa Pilipinas na ang mga kargamento. Takang-taka siya nang abutin na ng siyam-siyam, wala pa rin ang mga gamit at regalo.

Nabuwisit na siya kaya nakipag-ugnayan na sa RDR Cargo sa US. Nagturuan ang mga loko at nagpayo na sa counterpart nila sa Pinas magreklamo -- ang Pinoy Online Cargo.

Maghintay pa raw ng kaunti. Nagawa pang humirit na magbayad ng karagdagang P2,000 kada kahon. Pumayag ang OFW para wala nang gulo.

Ang ending, nganga pa rin. Binalikan ng nagrereklamo ang forwarding company at sinabing nakarating na raw ang kanyang cargo.

Pumuti na ang uwak, wala pa ring matinong balita sa P600,000 niyang mga gamit. Sinugod na nila ang opisina ng Pinoy Online Cargo sa Dasma at laking gulat nila, nandoon at nagkalat ang kanyang mga gamit!

Kulang-kulang na ang laman ng mga balikbayan box. Nawawala ang mga mamahaling baking equipment at power tools. Habang ang mga branded na damit, binebenta nang bagsak presyo. Otsenta pesos isang piraso!

Nakatunog ang mga hayop kaya agarang nag-alsa balutan. Sinarado ang buong warehouse.

Isang Adrian Espina na may-ari raw ng Pinoy Online Cargo ang lumapit sa biktima at sinubukang magpalusot. Mayroong pang kapal ng mukhang sabihin na papalitan na lang daw ang balikbayan boxes niya ng balikbayan boxes ng iba.

Hoy, Adrian Espina, kung ‘yan man ang totoo mong pangalan kolokoy ka. Saan ka kumukuha ng tibay ng sikmura para manggoyo ng kapwa mo Pilipino?

Mag-ingat at huwag makipagtransaksiyon sa Pinoy Online Cargo, marami nang reklamo sa suwetik na kumpanyang ito gayundin ang counterpart nila sa US. May mga petition pa na naka-adress kay President Duterte tungkol sa kahayupan nitong RDR Cargo.

May alam ba kayo sa kinaroroonan ng tanggapan at mga nagmamay-ari ng manlolokong kompanya na ito? Itawag n’yo kaagad sa akin o mag-iwan ng mensahe sa facebook page ng BITAG, BITAG Live o Kilos Pronto.

Muling babala ng BITAG at DTI, mag-ingat sa mga ‘di kilalang forwarding companies. Nasa website ng Department of Trade and Industry ang listahan ng mga accredited freight forwarders.  Doon lumapit at ‘wag sa mga kompanyang putok sa buho, baka ma-modus kayo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with