^

Punto Mo

Life Pro Tips (Part 11)

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Limang inumin na nakapagpapababa ng timbang: tubig, walang asukal na tsaa, skim milk, black coffee, vegetable juice.

Ang pagkain ng isang kutsarang peanut butter bago matulog ay nakakatulong para mag-burn ng calories habang natutulog.

Huwag nang magpumilit pumasok sa restaurant 20 minutes bago sila magsara. Lahat ng staff ay atat nang umuwi. Aani ka lang ng galit mula sa waiter hanggang cook. Gugustuhin mo bang ang mag-prepare ng kakainin mo ay cook na binitin mo sa pag-uwi?

Kapag pinagbawalan kayo ng teacher na gumamit ng Wikipedia bilang source ng inyong research, sa pahina pa rin ng Wikipedia kayo magpunta. Tingnan ang sources na nakalista sa ibabang bahagi. Ang mga sources na iyon ang inyong gamitin.

Kung hindi mo matandaan ang pangalan ng iyong kausap pero ayaw mong magpahalata, tanungin mo kung ano ang kanyang kumpletong pangalan.

Kapag nawalan ng kuryente, ilipat agad ang tubig sa freezer para malamig pa rin kahit magtagal ang brown out.

Huwag itapon ang lumang medyas. Ito ang isuot sa gabi tuwing aaplayan ng lotion ang paa para lumambot ang balat sa sakong at talampakan.

Kung naglagay ka ng yelo sa iinuming tubig, haluing mabuti ng kutsara ang yelo para mabilis lumamig ang tubig.

Kung mapapadaan sa Japanese store, bumili ng Furikake. Ito ay pambudbod sa steamed rice. Mainam na ibudbod habang mainit ang kanin. Ang simpleng sinaing ay magiging malasa kahit walang ulam. Mainam itong gamitin kung ang isang tao ay walang ganang kumain o kaya walang maisip na iulam sa kanin.

Ang Furikake ay kinapapalooban ng black at white sesame seed, hiniwang pinong fried seaweeds at isda, fried spring onion at iba pang pampalasa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with