^

Punto Mo

Liham mula sa pasaherong namatay sa paglubog ng Titanic, naibenta sa malaking halaga

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG personal na liham na natagpuan sa katawan ng isa sa mga namatay sa paglubog ng barkong Titanic ang naibenta sa isang auction sa London sa halagang £126,000 (katumbas ng P8.5 milyon).

Sa sobrang taas ng naging presyo ng liham, nakapag-set ito ng bagong record. Isa kasi ang liham sa mga iilan na nakaligtas mula sa paglubog ng sikat na barko kaya napakalaki ng halaga nito.

Ang liham ay isinulat ng first-class passenger na si Alexander Oskar Holverson sa isang stationery na may tatak pa  ng opisyal na pangalan ng barko na RMS Titanic.

Para sa ina ni Holverson ang liham at kinukuwentuhan niya ito ng tungkol sa masasarap na pagkain na kanyang natikman habang sakay ng malapalasyong barko.

Binanggit din ni Holverson sa liham ang tungkol sa mga mayayamang personalidad na nakasalamuha niya sa barko. Idinagdag pa niya na inaasahan niyang makakarating siya New York sa Miyerkules.

Isinulat ni Holverson ang lahat ng ito isang araw bago bumangga ang Titanic sa isang iceberg na naging sanhi ng malagim na trahedya na ikinamatay ng humigit-kumulang 1,500 na tao.

Kasama ni Holverson sa Titanic ang asawa niyang si Mary Alice, na nagawang makaligtas mula sa paglubog ng barko. Sa pamamagitan niya ay naipamana ang sulat sa mga sumunod na henerasyon ng pamilya Holverson.

Ang napakataas na presyong naitala ng liham ay patunay lamang daw ng patuloy na interes ng publiko sa mga bagay na may kinalaman sa Titanic at sa mga pasahero nito, ayon sa auctioneer na si Andrew Aldridge.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with