^

Punto Mo

Illegal recruiterssa wakas, matututukan din!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Isa na namang plus factor kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang kautusan na targetin ng operasyon ang mga illegal recruiters na labis na nagpahirap at nagsasamantala sa libu-libo nating mga kababayan.

Hindi tuloy maikakaila, kaya mataas pa rin ang ratings ni Pres. Digong ay dahil sa alam niya ang mga dinadanas lalo na nang nasa ibaba nating mga kababayan.

Sino nga ba sa mga naging Pangulo ang nagbigay ng prayoridad sa ganitong mga problema?

Inatasan na nga ni Pangulong Digong ang NBI at PNP-CIDG na tutukan ang mga illegal recruiters na tila hindi kumokonti kundi patuloy sa pagdami.

Malaking halaga na ang mga nakulimbat ng mga ito sa marami nating mga kababayan.
Ang siste, ang mga nagiging biktima pa yaong mga mahihirap din nating kababayan na kaya nga nagnanais na makipagsapalaran sa ibang bansa para kumita kahit papaano na pagkatapos ay lolokohin lang pala.

Marami na tayong istoryang narinig na sa kagustuhang magtrabaho sa abroad ay napipilitang magbenta ng lupa at mga ari-arian, pagkatapos ay maloloko lamang.

Matindi rin kasi ang problemang dulot ng mga illegal recruiters na ito, hindi lang mismong sa taong kanilang biniktima kundi sa buong pamilya nito.

Kaya nga bukod sa paghabol sa mga riding in tandem killers, karnaper at kidnappers ay dapat ngayon ay mapagtuunan din ng pokus ng PNP ang giyera kontra illegal recruiters at human traffickers.

Mga problemang matagal nang nandyan pero hindi napagtuunan ng pansin, at ngayon na lamang na sana ay maging matagumpay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with