^

Punto Mo

EDITORYAL - Jueteng pa more

Pang-masa
EDITORYAL - Jueteng pa more

NOONG Pebrero, sinabi ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald dela Rosa na anim na buwan lang ang taning niya sa lahat nang illegal gambling at kasama rito ang jueteng. Magsasampung buwan na ang nakararaan mula nang sabihin iyon ni Dela Rosa pero wala pang nakikitang pagbasag sa illegal gambling lalo na ang jueteng. Namamayagpag pang lalo ang jueteng ngayon. Jueteng pa more.

May report na mga retiradong pulis pa umano ang nag-ooperate ng jueteng sa Metro Manila, Calabarzon at Central Luzon. Malakas umano ang loob ng mga retiradong opisyal sapagkat may padrino silang government official. Ayon sa report, kumikita ang mga retiradong police officials sa jueteng ng P10 milyon araw-araw.

Malaking hamon kay Dela Rosa ang ginagawa ng retired police officials. Dito masusubok ang tapang ng PNP chief kung kaya niyang basagin ang jueteng na inooperate ng mga dating pulis. Sinabi noon ni Dela Rosa na mahigpit niyang ipatutupad ang pagbuwag sa mga illegal na sugal ayon sa Executive Order No. 13 na inisyu ni Pres. Rodrigo Duterte. Sa ilalim ng kautusan, inaatasan ang PNP, NBI at iba pang law enforcement agencies na buwagin ang lahat nang illegal gambling. Makikipag-coordinate ang mga ito sa Deparment of Justice, Department of Interior and Local Government at Department of Information and Communications Technology.

Galit si Duterte sa illegal na pasugalan at isa ito sa binanggit niyang wawasakin nang umupo sa Malacañang noong Hunyo 2016. Sinabi nga niya na ipatitigil ang online gambling. Masama ito at hindi rin naman kumikita ang bansa kaya dapat nang mahinto ang sugal.

Kaya nga ba ng PNP chief na maipatigil ang jueteng o wala siyang magagawa? Masyadong matagal na ang 10 buwan mula nang ipangako niya na wawakasan ang jueteng. Kaya ba o jueteng pa more?

Kung naging mabangis siya sa drug pushers at users, dapat mas mabangis siya sa jueteng lords at iba pang illegal na sugal.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with