^

Punto Mo

Pinakamalaking shawarma sa mundo, ginawa sa Berlin

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG tig-423.5 kilo na shawarma ang inihain sa isang shopping center sa Berlin nito lamang nakaraang Biyernes upang makapagtala ng bagong world record para sa isang pagkain na naging bahagi na ng pang-araw-araw na buhay sa Germany.

Halos isang tonelada ang bigat ng shawarma, na kinailangang hatiin sa dalawa dahil sa labis na laki nito.

Sa kabila nito ay nagawa pa rin mahigitan ng shawarma mula Berlin ang 413 kilong shawarma na ginawa sa Australia na dating may hawak na world record.

Inihain ang world record holder na shawarma bilang palaman sa pita bread katulad ng isang pangkaraniwang shawarma ngunit hindi na ito binudburan ng garlic sauce dahil sa pag-aalalang masyadong kakalat ang amoy nito. Sa halip ay herb sauce na lang ang ginamit ng mga cook para sa dambuhalang sandwich.

Pinaniniwalaang sa Berlin at hindi sa Middle East naimbento ang shawarma. Marami ang nagsasabing ang Turkish immigrant na si Kadir Nurman ang kauna-unahang gumawa nito noong 1972.

Simula noon ay naging sikat nang pagkain sa Germany ang shawarma, na isa na ngayong industriya na nagkakahalaga ng 4 na bilyong euros.

Tinatayang nasa 400 toneladang shawarma rin ang kinakain ng Germans araw-araw, na ipinagbebenta sa tinata-yang 40,000 na mga kainan. Sa sobrang sikat ng shawarma sa Germany ay sinasabing mas marami ka pang makikitang mga nagtitinda ng shawarma sa Berlin kaysa sa mga pangunahing siyudad sa Middle East.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with