^

Punto Mo

Isla Paraiso(51)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“HANGGANG diyan na lamang kayo!” Sabi ni Big Boy. Nasa likod niya ang mga lalaki na mukhang sanggano at sanay sa gulo.

Napahinto sina Benhur. Hindi nila inaasahan ang biglang pagsulpot nina Big Boy. Mukhang inabangan na talaga sila. Nakahanda na ang mga ito para sila pigilan sa anumang gagawin. At sa isip ni Benhur, maaaring nasa dulo ng Isla ang mga barko at doon dinidiskarga ang mga equipment sa pagmimina. Maaring tama ang hula niya.

“Paraanin n’yo kami!’’ Sigaw ni Benhur. “Wala ka-yong karapatan na harangin kami.’’

“Meron kaming karapatan. Kung ayaw n’yong magkagulo, huwag na ka-yong tumuloy. Masama ang mangyayari.’’

“Tinatakot mo ba kami Big Boy?’’

“Hindi ako nananakot, Benhur, nagpapaalala lang ako sa maaaring mangyari. Huwag na kayong magpumilit. Hanggang diyan na lang kayo.’’

“Paraanin n’yo kami. Paraanin n’yo kami!’’

Hanggang sa magkagirian na ang dalawang grupo. Handang lumaban sina Benhur. Patay kung patay!

“Huwag n’yo kaming subukan!” sabi ni Benhur.
“Magkakamatayan tayo rito kung magpipilit kayo!’’

“Subukan mo, Big Boy!’’

Hanggang sa magkapormahan na ang dalawang grupo. Sisiklab na ang labanan.

Pero buhat sa malayo ay may narinig si Benhur. Tinatawag siya. Si Lolo Kandoy!

“Benhur, hindi pa panahon. Hindi pa ngayon!’’

Sa sinabing iyon ng matanda ay biglang umatras sina Benhur.

Bigla namang nagtawa si Big Boy.

“Hindi kayo uubra! Sige umalis na kayo!’’

Napatiim ang bagang ni Benhur. Gusto na niyang basagin si Big Boy.

Umalis na sila. Habang naglalakad, inakbayan siya ni Lolo Kandoy.

“May tamang pagkakataon ang paglaban sa taong ‘yun.’’

Napahinga si Benhur. (Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with