^

Punto Mo

‘Walang karapatan ang sinumang amo na manakit ng empleyado!’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

KATANGIAN ng isang mabuting na sumunod sa inuutos ng amo nakamasid man ito o hindi, kumbaga isa kang conscientious worker- good job kung ganoon.  

Ano naman ang maitatawag sa isang amo na kailangang manakit o manghataw ng empleyado para mapasunod ito sa gusto niya? Putok sa buhong damuho ang tawag diyan!

Katulad ng reklamong inilapit sa BITAG Action Center ng isang konduktor ng Heaven Blessed Bus Line Express, ang kanya umanong operator, asal hayop.

Ang driver daw niya ang nakaaway ng operator na si Froilan Chua, nadamay lang daw siya at hindi na rin siya pinapasok sa trabaho. Dahil may pamilya at kumakalam ang sikmura, nakiusap siya sa among si Froilan.

Pero ang gunggong na operator, nalalaman pang pakundi-kondisyon, makakabiyahe lamang daw ulit ang nagrereklamo kung papayag siyang magpa-paddle sa amo. Anak ng kagaw, kailan pa nagkaroon ng hazing sa mga bus company?

Hindi na sana papansinin ng biktima ang kondisyon ng amo pero pinipilit daw siya ng kanyang inspector na pumayag para makapagbiyahe – mga hangal! Eto ang nagtulak sa konduktor na nagrereklamo na lumapit sa amin.

Nang makausap namin sa ere ang among si Froilan Chua, lambing lang daw niya ‘yun sa kanyang kundoktor. Aba’y malakas talaga ang tagas sa kukote nito, nasasarapan siya kapag nananakit ng kapwa.

Labag ito sa batas! Kahit na sabihing uri ito ng pagdidisiplina, hindi tama ang manakit ng kapwa, maaaring sampahan ng kasong kriminal ang sinumang manakit ng pisikal may intensiyon man o wala.

Kinikilabutan ako nang tawagin pa akong idol ng kolokoy na ‘to. Hoy hindi tayo magkatulad, ikaw abusado ka, ako tagatugis ng mga tulad mo.

Ang mga manggagawa ay katuwang sa kahit na anong negosyo. Nagtatrabaho ‘yan ng mabuti para maiaahon ang kani-kanilang pamilya at hindi mo puwedeng gawing katuwaan kapag nabuburyong o wala kang magawa, ijo de puto ka.

Nasa Department of Labor and Employment na ang kasong ito. Try mong lambingin din ang DOLE para malaman mo ang kapupulutan mo Froilan Chua, operator ng Heaven Blessed Bus Line Express.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with