^

Punto Mo

Political will ni Digong, taga sa panahon!

BAKAS! - Kokoy Alano - Pang-masa

DETERMINADONG ipaaresto ni President Digong ang organizers ng tigil pasada kung ipagpapatuloy pa ng mga ito ang kanilang protesta sa susunod pang mga araw. Hindi halos naramdaman ng mga estudyante at manggagawa ang nationwide  jeepney strike na isinulong ng  ilang samahan ng mga drivers at bilang ganti ng Presidente, ipinag-utos nito na hanggang Disyem­bre na lamang puwedeng pumasada ang mga lumang jeepney dahil banta na sa kalusugan at kaligtasan ng  mamamayan ang kondisyon at kalidad ng mga lumang pampasaherong jeepney.

Bukod sa marami sa drivers diumano ang hindi disiplinado, sila rin ang dahilan kung bakit maraming traffic enforcers ang natututong mangotong dahil nagsasakay-baba sila ng mga pasahero kahit sa mga lugar na bawal ito at ginagawa pa nilang terminal ang mga lugar kung saan matao na nagiging sanhi ng mabagal na daloy ng trapiko.

Sa kautusang ito ni Digong, siguradong maraming negosyo ang babagsak kabilang dito ang mga surplus stores sa ibat ibang panig ng bansa. Sino pa nga naman ang bibili ng mga surplus na diesel engines at ano ang gagawin nila sa mga luma nilang sasakyan kapag natuloy ang jeepney phase-out?

Tama naman si Digong na isipin ang kapakanan at  kalusugan ng mga musmos na mamamayan upang magkaroon tayo ng malusog na pamayanan. Masakit man isipin na maraming pamilya ang apektado sa mga hakbangin ng administrasyong Duterte, pero  hindi malayong kasali ito sa plataporma de gobyerno ni Digong dahil dinadanas niya ngayon ang mga sakit at epekto ng usok ng sigarilyo at mga  maruruming usok na nagmumula sa pinagsawaan at  kondenadong mga  diesel engines mula sa Japan.

Kabilang ang maraming mahihirap na drivers ang sumuporta at bumoto kay Digong noong nakaraang eleksyon ang masasama ang loob pero sa isang banda, marami naman sa hindi bumoto sa kanya ang sumusuporta ngayon sa mga programa. Ipinakikita lamang ni Digong ang tinatawag na “political will”  na hindi ginawa ng mga nakaraang administrasyon.

Malamang na kinakabahan ngayon ang mga  national at local  elected officials na kapartido ng administrasyon dahil malapit na ang eleksyon at maaring  maging minus factor ang ginagawang hakbang na ito ng Presidente dahil sa pananaw ng ilan ay anti poor diumano ito, kaya sinasakyan at ginagawang political propaganda ito ng ilang  Makabayan Group at maaring makadiskaril sa mga kapartido ni Digong.  E bumoboto ba talaga ng may sinceridad at konsensiya ang mga mahihirap? O baka naman nagpapatangay din lamang sila sa propaganda ng kanilang mga lider na may mga personal, political at business  agenda he he! Tanong ‘yan ni Juan Makabayan!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with