^

Punto Mo

9 na patakaran na dapat sundin ng British Royal Family

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

1. Short pants ang dapat isuot ng mga batang prinsipe kahit pa sa panahon ng taglamig. Magsusuot lang sila ng long pants pagsapit ng 9 years old pataas

2. Hindi sila bumoboto sa panahon ng eleksiyon upang hindi maakusahan ng pagiging bias. Legally, pinapayagan silang bumoto pero mas pinili nilang huwag nang makisali sa pulitika.

3. Sa panahon lang ng pagluluksa sila puwedeng magsuot ng black. Pero nilabag ito ni Princess Diana nang minsang dumalo siya sa Vanity Fair summer party. Iyon din kasi ang araw na ikinumpisal ni Prince Charles sa publiko na totoong may relasyon sila ni Camilla Parker Bowles. Ang suot na black dress ni Princess Diana ay tinawag na “The Revenge Dress”.

4. Bawal silang kumain ng lahat ng klase ng shellfish. Sa rule book, isinasaad na hindi dapat kumain ng shellfish si Queen Elizabeth at kanyang mga kapamilya dahil delikado ito sa kanilang kalusugan. Minsan ay nilabag ito ni Prince Charles nang dumalo sila sa  Whitstable Oyster Festival sa Kent County.

5. Ang mga direktang tagapagmana ng trono ay hindi maaaring magsama sa pagbibiyahe lalo na sa iisang sasakyan: eroplano, barko at train. Kaya kahit kailan ay hindi nagsasabay sa pagbibiyahe ang mag-amang Prince Charles at William.

6. Hindi sila puwedeng magbigay ng autograph sa mga fans. Ang kanilang pirma ay gagamitin lang sa official documents.

7. Hindi sila puwedeng umanib sa ibang relihiyon maliban lang sa Anglican Church dahil sila lang ang itinuturing na pinuno ng Simbahang nabanggit. Dati, hindi sila puwedeng magpakasal sa taong hindi miyembro ng kanilang relihiyon pero simula noong 2011, nagbago na ang patakaran. Puwede na silang magpakasal sa taong iba ang relihiyon.

8. Hindi sila puwedeng magsuot ng fur coat (mabalahibong kasuotan). Pero minsan ay nilabag ito ni Queen Elizabeth nang bumisita siya sa Russia noong 1993. Pero okey lang magsuot ng fur collars at hats.

9. Dapat silang magsama-sama sa araw ng Pasko.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with