^

Punto Mo

EDITORYAL - Mga karag-karag na dyipni ang nagpaparumi ng hangin

Pang-masa
EDITORYAL - Mga karag-karag na dyipni ang nagpaparumi  ng hangin

TAMA si Pres. Rodrigo Duterte na ang mga bulok na dyipni ang lumalason sa hangin at nagdudulot ng sakit sa mga tao. Kaya sa galit niya, sinabi niyang hanggang Enero 2018 na lamang ang mga bulok at kakarag-karag na dyipni. Kapag hindi raw sumunod ang operators at driver, susuyurin niya ang kalsada para mawala ang mga bulok na dyipni.

Nagsalita si Duterte noong Martes sa Federa-lism Summit na ginanap sa Pili, Camarines Norte at mariin niyang sinabi na kapag hindi sumunod sa modernisasyon ang mga operator ng bulok na dyipni, ipaaaresto na niya ang mga ito. Kailangang sumunod daw ang mga operator at drayber sa sinasabi ng gobyerno. Matagal na raw ang pagsasamodernisa ng mga dyipni.

Ang pagbabanta ni Duterte ay itinaon sa ikalawang araw ng tigil pasada na isinagawa ng grupong Piston. Noong Lunes unang nagsagawa ng tigil pasada ang Piston kaya sinsuspende ang klase sa lahat ng antas at pati na ang mga trabaho sa government offices. Sa ikalawang araw ng tigil pasada, muling sinuspende ang klase at trabaho. Sabi ni Duterte ang Piston ay ginagamit ng Communist Party of the Philippines para magsagawa ng mga protesta. Nagbanta naman ang Piston na magsasagawa pa sila ng tigil pasada sa mga susunod na araw.

Tutol ang Piston sa phase-out at modernisasyon ng mga dyipni at sa halip dapat daw i-rehabilitate ang mga ito. Maaari pa naman daw ipasada. Kapag na-phase-out saan kukuha ng ipakakain sa pamilya ang mga drayber. Pero sabi ng LTFRB, hindi ipi-phase-out ang mga dyipni kundi aalisin lang ang 15 taong gulang pataas. Depektibo na ang mga dyipni at delikado sa riding public. Tutulungan naman daw ang operator para makabili ng bagong unit at matagal itong babayaran – umano’y limang taon at mababa ang buwan-buwan na hulog.

Matagal nang plano ang modernisasyon at kung titiklop sa transport groups gaya ng Piston, hindi ito maipatutupad. Ipakita ng pamahalaan ang tigas sa mga tumututol sa modernisasyon ng dyipni. Linisin ang kalsada sa mga bulok na dyipni. Iligtas ang mamamayan sa pagkakasakit dahil sa maruming hangin na dulot nito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with