^

Punto Mo

Isla Paraiso (49)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

BINUKSAN ni Lolo Kandoy ang sulat ni Marikit. Nangingilid ang luha sa mga mata ng matanda.

Tahimik nitong binasa ang sulat.

Nakatingin lang si Benhur.

Si Alexis naman ay abala sa pag-aayos ng pera sa bag.

Matapos basahin ni Lolo Kandoy ang sulat ay napa-ngiti ito na hinarap si Benhur.

“Maayos naman pala ang lagay ni Marikit. Maganda pala ang tirahan niya.’’

“Opo Lolo. Nasa isang condo po siya. Malapit din po ang university na pinapasukan niya. Napakaganda po ng tirahan niya, Lolo.’’

“Salamat naman at nasa ayos pala ang lagay niya. Maayos ba ang pangangatawan niya?’’

“Opo. Napa­ka­ganda po niya.’’

Napaumis si Lolo Kandoy.

“Sana ay nagpadala man lang siya ng picture para nakita ko ang itsura niya.’’

“Hindi po naalala. Isa pa’y nagmamadali po ako nang umalis dahil hinahabol ko ang biyahe ng bangka papunta rito sa Isla.’’

“A oo.’’

“Sabi nga po ni Marikit ay gusto niyang umuwi rito pero natatakot siya sa biyahe. Sabi ko naman ay huwag na siyang umuwi dahil mahirap nga ngayong maglayag sa dagat.’’

“Mabuti at sinabi mo sa kanya yun.’’

Maya-maya tinawag ni Alexis si Benhur.

“Halika Benhur.’’

Lumapit si Benhur.

“Bakit po Sir Alexis?’’

“Eto ang pera, ikaw na ang bahalang bumili ng mga kailangan ng mga kabara-ngay natin na nagbabantay sa aplaya. Lahat nang kaila-ngang pagkain ay bilhin mo.’’

“Opo.’’ (Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with