^

Punto Mo

Isang malaking leksiyon sa mga taga-Marawi

PULSO NG MASA - Pang-masa

Natutuwa rin po ako at nalalapit nang magwakas ang labanan sa Marawi City makaraang mapatay ang dalawang lider ng mga terorista na sina Hapilon at Omar Maute. Malaki ang paniniwala ko na “pilay” na ang mga terorista na nais maghari sa Marawi. Nagtataka ako kung bakit ang Marawi ang napili nilang kubkubin gayung marami namang lugar sa Mindanao ang puwede nilang pagkutaan.

Sa palagay ko rin, maraming residente ng Marawi ang nagkaroon nang malaking leksiyon sa nangyaring pagkasira ng kanilang lungsod. Kung naging mapagmatyag at mapag-obserba ay hindi nangyari ang bangungot sa kanilang buhay.

Lubha kasing nakapagtataka kung bakit hindi man lamang namalayan o naramdaman ng mga residente ng Marawi na nagpaplano ang Maute na kubkubin ang lungsod. Wala man lang nakapansin na maraming baril ang pinapasok sa lungsod.

Hindi ba nila narinig ang paghuhukay o pagbubutas ng mga terorista para gawing tunnel? Hindi ba naamoy na mayroong ibang tao sa kanilang lugar. O marami ang may alam at pakiramdam subalit sinarili na lang dahil natatakot na gantihan. Hinayaan na lang ang ginagawa dahil wala naman silang pakialam.

Kung naging mapagmatyag lamang ang mga taga-Marawi at naisuplong ang mga kahina-hinalang grupo, maaaring napigilan ang mga terorista.

Isang malaking leksiyon ang natutunan ng mga residente ng Marawi at palagay ko, hindi na nila hahayaang masira muli ang kanilang lungsod. More power sa PM.

-- NICK PALAMARES, Samar St. Balic-Balic, Sampaloc Manila

* * *

Mayroon ba kayong reaksiyon o komento sa mga maiinit na topic sa bayan, ipadala ito sa PM sa email address: [email protected].

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with