^

Punto Mo

EDITORYAL - Huwag maging kampante

Pang-masa
EDITORYAL - Huwag maging kampante

MAKARAANG mapatay sina Isnilon Hapilon at Omar Maute noong Lunes ng madaling araw, marami ang nagsipagsaya sapagkat sa wakas ay nawalan ng mga pinuno ang mga teroristang kumubkob sa Marawi sa loob ng anim na buwan.

Hindi maipinta ang mukha ng mga sundalo sa labis na kasiyahan makaraang makumpirma ang pagkakapatay kay Hapilon at Omar. Tinamaan ng sniper’s bullet ang dalawa – si Hapilon ay sa dibdib ang tama samantalang si Omar ay sa ulo. Isang sophisticated na baril na kayang makakita ng kalaban sa gabi ang tumapos sa buhay ng dalawang notorious leader.

Noong Martes, inihayag ni Pres. Rodrigo Duterte na liberated na ang Marawi. Lalo pang naging masaya ang mga taga-Marawi na anim na buwan nang nasa evacuation centers. Makakabalik na raw sila sa kani-kanilang mga tahanan kahit sira-sira sa tama ng bomba at mga bala. Maipagpapatuloy na nila ang buhay at haharapin ang mga pagsubok ng buhay.

Ang isang nakakatuwa, sa kabila na nawasak na ang bahay ng mga residente, marami pa rin ang nakukuhang tumawa at puno ng pag-asa. Nasasabik na umano silang makita ang kanilang lugar.

Hindi naman dapat maging kampante nang todo ang mga sundalo o maski ang mamamayan sa Marawi sapagkat mayroon pa umanong 30 terorista sa loob ng lungsod at mayroon pang hawak na hostages.

Huwag munang mag-relaks sapagkat maaa-ring rumesbak ang mga teroristang kaalyado nina Hapilon at Omar. Paghandaan sila at ganap na pulbusin. Huwag nang tirhan kahit katiting na hininga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with