^

Punto Mo

Isla Paraiso (48)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

LUMULUBOG na ang araw nang dumating sa Isla Paraiso si Benhur. Mabuti at nakahabol siya sa bangka na naghahatid sa Isla. Kung hindi siya nakahabol, kinabukasan na uli siya makakasakay. Isang beses lamang ang biyahe ng bangka sa Isla kapag masama ang panahon. Maaaring abutin ng bagyo sa laot.

Habang nasa biyahe ay mahigpit ang pagkakahawak niya sa bag. Maraming pera ang bag pero hindi halata. Ayon kay Atty. Buenviaje, nasa P2 milyon ang dala niyang pera. Pawang nakabundles ang mga iyon.

Deretso siya sa bahay ni Lolo Kandoy at Alexis.

Malayo pa lamang ay natanaw na niya sina Alexis at Lolo Kandoy. Hinihintay siya.

Nang malapit na siya ay bumaba ng bahay sina Alexis at Lolo Kandoy. Sinalubong siya.

“Dala ko na po ang pondo natin, Sir Alexis,’’ sabi niya.

“Mabuti, Benhur. Maaa-sahan ka talaga. Halika sa bahay. Palagay ko ay marami kang ikukuwento. Kumikislap kasi ang mga mata mo.’’

“Marami nga po. Pati po kay Lolo ay marami rin akong ikukuwento.’’

“Talaga Benhur?”

“Opo.’’

Nang nasa loob na sila ng bahay ay nagkuwento na si Benhur. Si Alexis ay ina­ayos ang bundles ng pera --- pawang P1,000 bills. Si Lolo Kandoy ay nakikinig.

“Lolo eto nga po pala ang sulat.’’

“Sulat nino?’’

“Sulat po ni Mahinhin.”

“Ni Mahinhin? Ang apo ko?’

“Opo. Nagkakilala po kami roon, Lolo.’’

Tuwang-tuwa si Lolo. Parang maiiyak pa.

“Nag-aalala po si Marikit. Baka raw po nagkakasakit kayo.’’

Tuluyang umiyak si Lolo.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with