^

Punto Mo

Lalaki sa UK, nanirahan ng 10 taon sa gubat makatakas lang sa bungangerang asawa

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 62-anyos na lalaki sa United Kingdom ang nagsawa na sa pagiging bungangera ng kanyang asawa kaya bigla siyang umalis sa kanilang bahay at nanirahan sa kagubatan ng 10 taon.

Tatlong taon daw siyang kasal bago siya narindi sa walang katapusang pagbubunganga ng kanyang asawa, ayon mismo kay Malcolm Applegate nang siya ay makapanayam ng pahayagang Daily Mail.

Noong una, maayos naman daw ang pagsasama nilang da-lawa ngunit nang lumaon ay palagi na raw nagrereklamo ang kanyang asawa ukol sa kanyang trabaho bilang hardinero.

Ayaw raw kasi nito na matagal siyang nawawala sa bahay, ngunit wala naman siyang nagawa dahil marami ang kumukuha sa kanyang serbisyo.

Basta na lang siyang umalis sa kanilang tahanan nang minsang hilingin ng kanyang asawa na bawasan niya ang oras ng kanyang pagtatrabaho.

Tatlong linggong naglakad si Applegate mula sa kanilang tinitirhan sa Oxford papunta sa London bago siya tumigil sa isang masukal na kakahuyan na malapit sa nasabing siyudad.

Doon na namalagi si Applegate ng isang dekada habang nagtatrabaho siya bilang hardinero sa isang kalapit na community center para sa mga matatanda.

Kasama niyang nanirahan sa kagubatan ang dalawa pang mga wala ring matirhan. Doon daw sila naliligo sa community center kung saan siya na­ma­masukan.

Ngayon ay nakatira na sa isang homeless shelter si Applegate, na nagkaroon na muli ng komunikasyon sa kanyang kapatid na babae na nag-akalang patay na siya dahil sa tagal niyang nawala.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with