^

Punto Mo

EDITORYAL - Suportado ang laban sa illegal na droga pero…

Pang-masa
EDITORYAL - Suportado ang laban sa illegal na droga pero�

SIYAM sa 10 Pinoys ay sumusuporta sa pakikipaglaban sa illegal na droga, ayon sa pinakahuling surbey ng Pulse Asia. Pero naniniwala rin silang ang mga pulis ang nasa likod ng extrajudicial killings (EJKs). Naniniwala ang 73 percent ng respondents na ang nasa likod ng EJKs ay mga pulis at sundalo. Pero sinabi naman ni PNP chief Director General Ronald dela Rosa na hindi maituturing na EJKs ang drug death. Hindi raw dapat sabihing ang lahat nang napapatay ukol sa illegal na droga ay EJKs na.

Sa resulta ng surbey na sumusuporta ang ka­ramihan ng Pinoys sa drug campaign, maliwanag ang kanilang ibig ipahatid, isaayos ang kampanya laban sa droga. Maging parehas. Sundin ang batas at hindi ang batas ng bala. Hindi nakapagtataka na dahil sa mga pagpatay ukol sa illegal na droga, si Pres. Rodrigo Duterte ang binabatikos. Dahil sa mga batikos na inabot, bumaba ang trust rating ni Duterte. Sa kanya nga sumampal ang masasamang nangyari sa drug campaign. Lumalabas na lumalabag sa karapatang pantao si Duterte at sinakyan naman  ng foreign media. Pati mga delegates ng European Union ay inaakusahang umaabuso sa karapatang pantao si Duterte.

Noong nakaraang linggo, isang mabigat na pasya ang ginawa ni Duterte. Inalis niya sa PNP ang kampanya laban sa droga at inilipat sa Philipppine Drug Enforcement Agency (PDEA). Hindi na makikialam ang PNP sa illegal na droga. Sabi naman ng PDEA, gagawin nila ang lahat para lubusang matuldukan ang illegal na droga sa bansa. Kahit daw kulang sila sa tauhan, sisikapin nilang magampanan ang tungkulin.

Ngayong nasa PDEA na ang tungkulin, umaasa kaming mahihigitan nila ang nagawa ng PNP. Ipa-kita na karapat-dapat sila sa pagtitiwala ni Duterte. Ipakita na mas maayos ang kanilang kampanya at hindi kailangang gamitin ang bala para lamang maging drug-free ang bansa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with