^

Punto Mo

Isla Paraiso (47)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“GUSTO kong tumulong para mapanga-lagaan ang ating isla, Benhur pero ano ang magagawa ko e nag-aaral ako rito. Isa pa, mahirap magbiyahe patungo sa isla. Lubhang delikado ngayon.’’

“Estudyante ka ba, Marikit?”

“Oo. At alam mo bang si Sir Alexis ang nagpapaaral sa akin. Pati ang pagtira sa condo ay sagot din niya. Lahat nang kailangan ko.’’
“Ngayon ko lang nalaman. Napakabuti pala talaga ni Sir Alexis.’’

“Talagang napakabuti. Alam mo bang dayo lang siya sa Isla?”

“Hindi ko alam. Kailan ko lang nakilala si Sir Alexis.’’

Ikinuwento ni Marikit ang nangyari kay Alexis. Na survivor ito ng isang lumubog na barko at silang maglolo ang nakakita sa aplaya. Ginamot nila ang mga sugat.

“Ganun pala ang nangyari.’’
“Dati raw nagsasawa na siya sa buhay at gusto na ngang mamatay pero nang mapadpad siya sa Isla, nagbago ang pana­naw niya. Gusto na niyang mabuhay at makapaglingkod sa kapwa. Kung hindi pa raw siya napadpad sa Isla ay hindi malalaman ang kahalagahan ng buhay.’’

Napatangu-tango si Benhur. Ngayon ay alam na niya ang tungkol kay Alexis.

“Nakakahanga siya, Marikit. At isipin mo, siya ang gagastos para maipagpatuloy ang laban sa mining company. Pati sariling pera ay inilalabas para lang maituloy ang pakikipaglaban sa mga sisira sa kalikasan.’’

“Kaya nga gusto kong makatulong ngayon.’’

“Ituloy mo na lang ang pag-aaral mo. Ano bang kurso mo, Marikit?’’

“Journalism.’’

“Tamang-tama! Isulat mo ang nangyayari sa Isla natin. Batikusin mo ang kawalan ng kapangyarihan  ng DENR.’’

“Yan ang gagawin ko, Benhur. Pero hindi na ba talaga ako puwedeng umuwi para makatulong?’’

“Huwag na. Saka na lang. Basta ibulgar mo na lang sa pamamagitan ng artikulo  ang nangyayari sa Isla. Sapat na iyon.’’

“Sige, Benhur, sisimulan ko na ang artikulo.’’

KINABUKASAN, bago magtanghali ay nagpaalam na  si Benhur kay Marikit. Uuwi na siya sa Isla. Dala na niya ang malaking pondo.

“Aalis na ako, Marikit. Salamat sa pag-aasiksaso.’’

“Walang anuman. Pakibigay mo kay Lolo ang sulat na ito.’’

“Okey babay.’’

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with