^

Punto Mo

Dahil sa takot sa bampira, mga tauhan ng United Nations nag-pull out sa Malawi

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

INALIS na ng United Nations ang mga tauhan nito mula sa dalawang distrito sa Malawi kung saan limang katao na ang namamatay matapos magkagulo ang mga tao doon dahil sa balita tungkol sa mga bampira.

Kumalat sa ilang lugar sa Malawi ang mga kuwento ukol sa mga bampirang gumagala upang manipsip ng dugo, na pinagmulan ng malawakang takot.

Marami pa rin ang naniniwala sa mga bampira sa Malawi, na isa sa mga pinakamahirap na bansa sa mundo at kung saan maraming aid agencies at NGOs ang matatagpuan.

Nagpasya na ang UN na i-pull out ang mga empleyado nito matapos kumalat na ang karahasan sa Malawi. Limang tao na ang napapatay matapos mapagbintangang mga bampira at may mga armadong grupo na nagtatayo na ng roadblock sa mga lansangan.

Pinaniniwalaang sa kalapit na bansang Mozambique nagsimula ang tsismis tungkol sa pananalasa ng mga bampira ngunit hindi pa rin malinaw kung paano at saan mismo nagsimula ang karahasan.

Dahil sa mga gulong nangyari ay pansamantala munang sinuspinde ng UN Ang lahat ng aktibidad nito sa mga apektadong lugar.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with