^

Punto Mo

Internal cleansing sa PNP, mahigpit nang tutukan

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Ngayong inalis na sa Philippine National Police (PNP) ang lahat ng operasyon laban sa illegal drugs at ibigay  na ito sa PDEA, matututukan na nang husto ng pamunuan ang kanilang internal cleansing. 

Lalu na nga’t mismong si PNP chief Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa ang nagsabing aabot sa 4,000 mga pulis scalawags at pasaway na target nga ngayon ng kanilang   internal cleansing  upang linisin sa mga tinaguriang bugok na itlog ang organisasyon.

Malaki talaga ang pangangailangan para tuluyang mawalis sa command ang mga ito na bagamat sinasabi ngang 2 percent lamang o maliit na porsiyento lang ito sa kabuuang bilang ng mga pulis 185,000, dapat din talaga itong matutukan at mawalis nang husto para hindi madamay ang iba pa.

Sa kumpol nga ng kamatis, isa lang ang bulok pagsinama at hindi agad naalis o naihiwalay sa ibang hindi bulok mabilis na nadadamay ang iba.

Bukod pa nga rito, kailangang matutukan na nang husto ang peace and order, maging ang paglaganap ng riding in tandem criminals. Ito yung madalas na masangkot sa mga patayan, na pinaniniwalaan naman ng iba na mga tauhan ng pulisya. Isa ito sa nagiging batik sa kapulisan kaya nga kung masasawata ang mga ito, malaking puntos ito sa pagbangon sa imahe ng command.

Lalu na nga sa panahong ito, malaki ang inaasahan ng publiko sa ating kapulisan na sila ay maprotektahan lalu na sa mga lansangan.

Sa nalalapit na holiday season kung saan kabi-kabila ang pagsalakay ng mga kriminal at kawatan dito nakaantabay ang publiko sa PNP na sila ay mabigyang seguridad.

Ngayon mas lalong dapat na mapalakas ang police visibility para mabantayan ang publiko sa mga modus at pagsalakay ng mga kriminal.

Ito ang kanilang inaasahan at huwag sana silang mabigo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with