^

Punto Mo

Mga paggalang na hindi nakakatuwa

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

NOONG nagkaroon ng “get together” ang aming batch sa kolehiyo, sumentro ang usapan namin sa nakakairitang pagtawag ng “nanay” sa amin ng mga tindera sa palengke, barker ng jeepney/tricycle, tindera sa food court ng mall at marami pang iba. Sabi nga nila, ito ang isang uri ng paggalang na hindi nakakatuwa dahil nakakainsulto.

Natawa ako. Akala ko ay ako lang ang naaasar sa pagtawag sa akin ng nanay, naku, e, kami palang lahat. By the way, 57 years old na kaming lahat.

Unang nagkuwento ang aming propesor na 63 years old at dalaga. Nasa fastfood restaurant siya. Naghahanap siya ng upuan. Tinawag siya ng staff.

“Nanay dito po may vacant seat pa.”

Nakangiti siyang tumingin sa staff. Nagsalita nang malam-bing para hindi halatang iritado.

“Bakit Nanay? Hindi ba ako mukhang Mommy?”

Parang napahiya ang staff.

“Sorry po…Mam”

Biglang naging Mam.

Experience ko naman ito. Pumipili ako ng pagkain sa isang stall ng food court.

“Nanay ano ang order mo?” tanong sa akin

Uminit ang ulo ko pero kagaya ni Prof ay hindi ako nagpahalata.

“Nanay agad? Matanda agad? Hindi ba puwedeng Ate muna?” nakangiti ako

“Ay sorry po…Ate pala.”

After two weeks, may binili na naman ako sa stall na iyon sa food court. Madam na ang tawag nila sa mga babaeng kostumer. Nagpatagal-tagal ako para obserbahan kung tumatawag pa rin sila ng Nanay sa mga matured women. Hindi na. Marami na siguro ang nagtataray kapag tinatawag na Nanay. Natuto na sila.

‘Yung lalaking nakabangga ng aming sasakyan, may karugtong na “Mang” kung tawagin ang aking mister. Nag-uusap sila sa telepono para pag-usapan ang babayaran niya sa pagpapagawa ng aming sasakyan. Sa loob-loob ng mister ko:

“Pinerwisyo na ninyo ako, tatawag-tawag ka pa diyan ng Mang.”

Naiinis ang mister ko dahil mukha pa itong matanda sa kanya. Kaya nang sumunod na nag-usap sila, ino-obvious ang pagtawag niya ng Mang Damian sa kausap sa telepono. Ginaya niya ang ginawa sa kanya. Idinidiin niya ang Mang para makahalata. Hayun, magaling naman humalata ng sarcasm, itinigil na nito ang paggamit ng Mang.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with