^

Punto Mo

‘TV warranty, ibinasura ng operation manager!’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

MAGPAPASKO na naman at muling nagpuputukan ang iba’t ibang sale sa mga mall. Kaya ang mga Pinoy sinusulit ang pagbili ng mga bagong kagamitan. Pero mga boss mag-ingat,  dahil baka ang akala mo’y nakasulit ka ay nagoyo ka pala!

Kagaya na lamang ng sumbong na inilapit ngayong linggong ito sa Kilos Pronto.

Bagsak presyong Flat screen TV na nabili sa Home City Ever Gotesco,  dalawang buwan pa lang na nagamit dispalinghado na!

Kompanya ng TV, naniningil ng seven thousand three hundred pesos (P7,300) upang ipa-repair daw, kahit na pasok pa sa one year warranty ang nasabing appliances.

Dalawang buwan matapos mabili ng nagrereklamo ang kanyang 32 inch na Fukuda flat screen TV sa Home City Ever Gotesco, Commonwealth, Quezon City ay puro depekto na agad ito. Imbes na mga tao, guhit ang kanyang napapanood sa telebisyon.

Agad itong ibinalik ng nagrereklamong si Mang Ernesto sa pinagbilhan upang mapaayos ang sira nito dahil isang taon naman ang warranty nito. Tinanggap naman ito ng Home City kaya kampante ang pobre na maibabalik sa kanya ang TV nang maayos.

Subalit isang buwan na ang nakalipas saka pa lang tumawag ang kumag na kumpanya at diumano ang diperensiya ng kanyang TV ay hindi raw sakop ng warranty.

Ang siste kailangan daw magbayad ng pobreng nangutang pa para makabili ng TV sa halagang seven thousand three hundred pesos (P7,300) para mapaayos ito.

Aba’y kung hindi ba naman mga kengkoy at kumag ang mga ito, ang lagay ay eight thousand pesos (P8,000) ang pinambili ng TV tapos magbabayad ka ng pampaayos na seven thousand three hundred pesos (P7,300)

Kaya naman para masolusyunan ito, tinawagan namin ang operation manager ng Home City sa Ever Gotesco na si  Francis Abara. Pero imbes na magbigay ng solusyon puro rason ang ngakngak.

Hindi na kami nagsayang ng oras sa kumag at dumiretso na kami sa Assistant Director ng DTI na si Ms. Lilian Salonga na bibigyang aksyon ang sumbong na ito at ipatatawag ang Fukuda at Home City.

Hoy mga kengkoy makinig kayo! Kung sino man kayong mga hestas, barabas at hudas na may-ari ng Fukuda at Home City matuto kayo.

Karapatan ng mamimili na kung may depektibo ang produkto palitan n’yo o di kaya ibalik niyo ang pera nila lalo na’t under service warranty pa ito.

Pinaghirapan nila ang perang yan’, tapos gogoyoin n’yo pang mga gunggong kayo?! Pukaw na n’yo, umayos na kayo. Sa ngayon, DTI muna ang bahalang dumisiplina sa inyo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with